_PLAYED BY FATE

1986 Words
Nasa loob na ng tricycle si Anastasia pauwi sa bahay ng kanyang Tiyahin kung saan sila nakatirang magkapatid, nang mapansin niyang panay ang sulyap sa kanya ng driver. Sino ba naman ang hindi magtataka sa suot at hitsura niya. Kitang-kita na ang maputing likod niya dahil sa damit nitong may mahabang pilas mula sa likod. Napalunok siya habang hawak niya ng mahigpit ang envelope na naglalaman ng pera. Pinilit niyang iwinaksi sa isipan niya ang anumang sasabihin ng ibang tao sa kanya, ang importante ngayon ay may magagamit na siya pangpa- opera sa kapatid niya. "Vincent, pauwi na si Ate. Magpapa- schedule na tayo para sa operasyon mo Ading ko." Panay ang bulong niya sa kanyang isipan. "Aalis na tayo, ilalayo na kita sa mga taong walang ibang ginawa kundi hamakin tayo." Huminga siya ng malalim ng pumasok na sa isang kanto ang sinasakyan niyang tricycle. Malapit na niyang marating ang bahay ng kanyang Tiyahin. Ilang sandali pa at narating na nila ang tapat ng bahay. Pinara niya ang tricycle upang siya'y makababa na— ng may marinig siyang malalakas na tawanan mula sa loob ng bahay. "Kuya bayad ko." Sabay abot niya sa fifty pesos na hawak niya at hindi na kinuha ang sukli at kaagad namang umalis ang tricycle. Papasok na siya ng gate, at ganoon na lamang siya nagtataka dahil sobrang ingay mula sa loob ng bahay. Alam niyang mga pinsan niya ang mga nagtatawanan base sa kanyang mga naririnig. Kaagad siyang pumasok ng tarangkahan, at kaagad na tinungo ang pintuan. Nagmamadali niyang binuksan iyon dahil kakaiba ang pakiramdam niya, bigla siyang nakaramdam ng kaba na hindi niya maipaliwanag. Pagkabukas niya ng pintuan, bumungad sa kanya ang malalakas na tawanan, kasabay ng nakakarinding kantahan. "Sayaw Vincent, sayaw Vincent, sayaw Vincent," mga pinsan niyang nagkakantahan habang nasa kanilang harapan ang kanyang bunsong kapatid na nakaluhod, may suot na belt sa kanyang leeg at may nakakabit na tali doon habang hila-hila nila ito at pinapasayaw. "Vincent?!" Nanlaki ang kanyang mga mata. Ibinaba niya ang kanyang sling bag at hawak na envelope sa isang tabi at kaagad na dinaluhan ang kanyang kapatid upang tulungan itong makatayo. "A-a-ate," nauutal-utal na saad nito pagkakita sa kanya. Tinanggal niya ang nakakabit na tali mula sa leeg ng kapatid na noon ay nagmukhang aso na dahil sa ginawa ng mga pinsan nila. "Hindi naba kayo gagawa ng matino? Ano'ng tingin ninyo sa kapatid ko, isang hayop?" Nanginginig na wika niya sa mga pinsan. "Ayos ka lang ba Vincent, nandito na si Ate. Hindi kana nila masasaktan. Shhhh.." sabay yakap niya sa kapatid at ganoon din si Vincent sa kanya. "A-a-ate, sabi Ja-jasmine sa-sayaw daw a-ako. Sa-sakit leeg ko Ate. Sa-sakit oh," sabay turo niya sa leeg niyang namumula at may gasgas pa. "Mga walang hiya kayo' di baleng ako na lang sana ang babuyin ninyo, huwag naman sana ang kapatid ko!" Naluluhang sambit niya dahil awang-awa siya sa hitsura ng kapatid. "A-a-ate, sa-saan naba si Na-nay? Sakit Ate, sa-sakit leeg Vincent. Sakit paa ko." durog na durog ang puso niya ng mga sandaling iyon. "Tahan na, nandito na si Ate. Tahan na Ading ko." Pang-aalo pa niya dito kasabay ng pagtulo ng mga luha niya. "Uy, umuwi na ang mahal na prinsesa. At saan ka naman galing at inumaga kana naman ng uwi? Hmm.. Hulaan ko!" Saad ni Jasmine saka siya nito pinaikutan ng lakad. Naglakad din si Aurora palapit sa kanya ng nakataas ang noo. "Oww! Hindi nga ako nagkamali, kumerengkeng kana naman ano, Tasia?" Sunod namang lumapit sa kanya si Elsa ng nakataas ang isang kilay nito at pinasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa. "Matapang kana ngayon Tasia ah?" Hinila nito ang kanyang mahabang buhok, dahilan upang siya'y matumba. "Akala mo kung sino kang makapagreklamo ah' samantalang palamunin ka lang naman dito sa bahay! Ang tapang mo ah, sino ba'ng ipinagmamalaki mo hah?!" Lalong humigpit ang pagkakahawak ni Elsa sa kanyang mahabang buhok. "Sige Ate Elsa, kalbuhin mo na ang babaeng iyan! Hahahah.." tumatawang saad ni Aurora. Pilit niyang tinatanggal ang kamay ni Elsa, dahil talaga namang parang mapupunit na ang anit niya sa sobrang sakit at lakas. "Bitiwan mo nga ako, E-Elsa ano ba!" Pagkakasabi niya ng ganoon ay buong lakas niya itong tinadyakan sa kanyang paa. Kung hindi niya gagawin iyon, hindi siya nito tatantanan sa pagsabunot. "Aray! Bastos ka ah, lumalaban kana ngayon ah!" Lumapit na din si Jasmine upang tulungan si Elsa. Pinagkaisahan nila ito, ngunit sa pagkakataong ito hindi na siya papayag na alipustahin at saktan pa ng kanyang mga pinsan. "Jasmine, Elsa, Aurora ' anong nangyayari dito?" Boses iyon ni Aling Lorna ang kanyang Tiyahin. "Anong kaguluhan ito? At ikaw Tasia, anong ginagawa mo sa mga pinsan mo!" Tumigil ang tatlo. Binitawan nila si Tasia at lumapit sa kanya ang kanyang Tiyahin. "Tiyang, sila po kasi eh' ginawa nilang katuwaan si Vincent. Nasaktan po ang kapatid ko Tiyang." Pangangatwiran pa niya ngunit imbes na makinig ang Tiyahin niya ay dalawang malalakas na sampal ang dumapo sa mukha niya. Napahawak siya sa magkabilaan niyang pisngi. Sobrang sakit at hapdi niyon, pakiramdam din niya ay nabibingi na siya sa sobrang lakas niyon. "Ti-tiyang." Nanginginig ang boses na saad niya. "A-a-ate. Ate ko." Umiiyak namang lumapit sa kanya si Vincent. "Wala kang karapatan na magreklamo hangga't nasa poder ko kayo' naiintindihan mo ba Tasia?" galit na bukyaw ni Aling Lorna. "Buti nga sa'yo!" Nakataas ang kilay ng kanyang mga pinsan na tuwang- tuwa pa na makitang siya'y nasasaktan. "Kung hindi ko lang iniisip na anak ka ng kapatid ko, noon pa lang' pinalayas ko na kayo paalis ng pamamahay ko! Mga pabigat na nga kayo, akala mo kung sino kapang makaasta, puwe!" Napalunok siya, bakit ganito ang trato nila sa kanya? Magkakadugo sila—pero bakit kung hamakin sila ay parang wala lang sa kanila? Punas ang kanyang luhaang mukha, matapang siyang humarap sa Tiyahin niya. "Pabigat kami? Palamunin kami? Si-sige Tiyang, ngayon din mismo aalis na kami sa impyernong bahay na ito!" matapang na birada niya. "Ano'ng sinabi mo babae ka?" Akmang sasampalin na naman siya ng Tiyahin niya ng maawat niya ang isang kamay nito. "Ito na ang huli na pagbubuhatan mo kami ng kamay Tiyang. Ito na ang huli na aalispustahin mo kami—dahil simula ngayon lalaban na ako. Simula ngayon, ipapakita ko sa inyong lahat na kaya naming mabuhay na magkapatid na wala kayo!" Nagkatawanan pa ang kanyang mga pinsan dahil sa kanyang mga nasabi. "Siguro, nakahanap na sugar Daddy ang prinsesa Mama. Hahahah!" Saad ni Aurora. "Baka nga kaya inumaga ng uwi dahil may ginawang milagro. Magkano ba benta mo sa sarili mo Tasia, per kilo ba? Hahahah.." tumatawang saad naman ni Elsa. "Shhh.. Tama na 'yan! Sigurado naman ako eh, na hindi mabubuhay ang mga iyan kung hindi sila magpalabuy-laboy sa kalsada upang mamalimos! Sige Tasia, tinatakot mo ako? Lumayas kayo ngayon din! Sige layas at huwag kayong babalik dito kapag nagutom na kayo!" Sigaw ng Tiyahin niya saka nito sinipa ang kanyang sling bag na nasa isang tabi dahilan upang masagi ang envelope na naglalaman ng pera. Ganoon na lamang nanlaki ang mga mata ng kanyang mga pinsan at ng kanyang Tiyahin ng makita nila ang bungkos ng pera. "Pe-pera! Ang daming pera!" Bulalas nila. Dali-dali niyang pinulot ang mga pera at isinilid iyon sa envelope saka nito inipit sa kanyang kilikili. "Umamin ka nga Tasia, bakit ang dami mong pera? Saan nanggaling ang mga iyan?" Pasigaw na tanong ng Tiyahin niya. "Wala na kayong pakialam kung saan ko nakuha ang perang ito! Aalis na kami sa pamamahay ninyo, kaya wala na kayong karapatan na pakialaman pa ang buhay namin." Matapang at madiin na turan niya. "Kaya ba ganyan at pilas-pilas ang suot mong damit dahil' ibinenta mo ang katawan mo? Tasia sumagot ka!" "Hindi ko kailangang magpaliwanag sa inyo Tiyang kung saan galing ang perang ito! Ang masasabi ko lang, pinaghirapan ko ito at wala akong inapakang ibang tao. Vincent, Ading, tara na!" Sabay hawak niya sa pupulsuhan ng kapatid niya. "Walang aalis ng bahay na ito!" Tatalikod na sila ng siya'y pigilan ni Aling Lorna. Huminga siya ng malalim at mahigpit na hinawakan ang brown envelope dahil kilala niya ang ugali ng mga ito. Tuso kung tuso ang mga ito. "Hindi na kami makakapagtagal pa dito Tiyang, aalis na kami at magpapakalayo- layo na kami ni Vincent. Ipapaopera ko ang kapatid ko sa lalong madaling panahon." "Sige, kung gusto mong umalis, umalis kayo! Hindi ko na kayo pipigilan, pero bago iyon' bayaran mo muna ang lahat ng utang mo sa akin." Napatunganga siya dahil wala siyang matandaan na utang niya sa mga ito dahil ni sentimo ay wala silang maibigay sa kanilang dalawang magkapatid. "Wa-wala akong utang sa inyo Tiyang." "Mayroon! Paano ang mga kinakain ninyo araw-araw? Paano ang tubig, paano ang kuryente, paano itong bahay na tinitirhan ninyo? Paano ang nagastos sa libing ng mga magulang mo? Aba Tasia, hindi ito bahay ampunan. Wala ng libre sa panahon ngayon baka nakakalimutan mo iyan?" Tumawa siya ng tabingi, tama ang hinala niya' talagang tuso ang Tiyahin niya. "Oo nga, magbayad ka!" Sabay-sabay pa na bulalas ng tatlo niyang pinsan. Mula sa brown envelope na hawak niya naglabas siya ng isang bundle ng pera. One hundred thousand pesos ang isang bundle niyon. Ganoon na lamang ang ngiti at tuwa ng mga pinsan niya ng makita nilang naglabas ito ng ganoong kakapal na pera. "Ito Tiyang, one hundred thousand 'yan, siguro sapat na yan pambayad sa mga ipinakain ninyo sa amin." Sabay suksok nito sa pera sa kamay ni Aling Lorna. "Magbabayad ka din naman pala eh, pinahaba pa ang usapan. Tse! Sige na, lumayas na kayong magkapatid. Alis, tsupe!" Sabay kumpas ni Aling Lorna sa kanyang kanang kamay at itinuro ang pintuan. Walang anumang salita na hinawakan niyang muli si Vincent upang sila'y makaalis na. Punas-punas ang kanyang luhaang mukha habang sila'y papalabas ng pintuan. Ang lupit ng kapalaran. Ang buhay ay sadyang mapaglaro. Bakit kung sino pa ang iyong mga kadugo, sila pa ang unang aapak sa pagkatao mo? Iyon ang isang bagay na napatunayan ni Anastasia ngayon sa kanyang sarili. Pagkalabas nila ng gate, sakto namang pagdaan ng kanyang pinsan na si Rome. "Insan, ba-bakit ganyan ang hitsura mo? Sinaktan kana naman ba ni Tiyang?" Dito napalabi siya, hindi na niya maitago ang emosyon niya at siya ay umiyak na. "Rome, huhuh.." umiiyak na saad niya. "Vincent, teka' may sugat ka? Ano'ng ginawa nila sa inyo?" sunod-sunod na katanungan niya. "Insan, aalis na kami ni Vincent." wika niya. "Hah? Ano'ng ibig mong sabihin?" "Aalis na kami sa poder ni Tiyang, pansamantala hahanap na muna ako ng pwede naming upahan na bahay habang inaasikaso ko ang pagpapa- opera ko kay Vincent." Saad niyang muli dito. "Teka!" Mula sa bag na ni Rome, inilabas niya ang dalawang puting sobre. "Insan, nanalo 'yong mga manok mo kagabi. Ang galing mo insan, champion tayo, solo champion Tasia, heto may magagamit kana pampa-opera kay Vincent. Sa atin napunta ang premyo ng handler na one hundred fifty thousand, at iyong premyo na isang milyon, solo natin iyon pinsan." Napapikit siya at lalong napahagulgol. "Rome, huhuhu.." "Tama na Tasia, solved na ang problema mo. Tinulungan ka ng mga alaga mong manok, alam nilang nangangailangan ka kaya ginalingan nila. Kung sana nandoon ka kagabi, naku siguradong matutuwa ka, dahil fastest kill ang naganap. Iba ka insan, ang galing mong maging handler." panay papuri na saad ni Rome. "Huhuhuh!" Lalo siyang naiiyak. Bakit ba sa dami ng pwedeng paglaruan ng tadhana bakit siya pa? Kung alam lang sana niyang ganito ang mangyayari, hindi sana nasira ang buhay niya. Hindi sana siya nagdusa at nagpakahirap sa piling ng malupit na lalakeng iyon na nakabili sa kanya. Huli na ang lahat upang siya'y magsisi. Nasira na ang pinakaiingatan niyang puri, nasira na ang buhay niya. Magsisi man siya ngayon, lumuha man siya ngayon ng dugo hindi na maibabalik pa ang dalisay niyang pagkatao.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD