Namayani ang katahimikan. Nang mga sandaling iyon—tila tumigil sa pag-ikot ang mundo para kay Anastasia. Kay Augustus ay gano'n din, pakiramdam niya ng mga oras na iyon ay naninigas na siya mula sa kinatatayuan niya habang titig na titig siya sa babaeng laman ng isipan niya nitong limang nakaraang taon. "She is indeed the woman I've been looking for, and she is undeniably beautiful. Goodness, Augustus, you are truly under the spell of a Rose. If this is a dream, I don't want to wake up anymore. Come on, Augustus this is your chance, approach her, hold her, hug her!" Nagsusumigaw ang isipan niya habang nakapako na ang tingin nila sa isat-isa. "My God, Anastasia! Hindi ka pwedeng magkamali, siya ang lalakeng hinihintay mo! Lapitan mo, sige na Tasia' lapitan mo!" Saad naman ni Tasia sa k

