Nasa ganoong ayos sila na nag-uusap na magpinsan ng biglang nagbukas ang pintuan ng kwarto niya, isang lalakeng nakasuot ng long white gown ang pumasok at may suot itong salamin sa mata. "Gising na pala ang pasyente." Nakangiting saad niya at dito napagtanto ni Anastasia na ito ang kanyang doktor. "How are you feeling, young lady?" Dito nakita niya ng malapitan ang gwapong mukha ng doktor. "A-ayos na po ako doc." tipid na tugon niya. "Nakausap ko na ang pinsan mo ukol sa lumabas sa results mo. May nakita akong laceration mula sa private part mo, a forcible entry. Miss, let me ask you, were you abused last night? The laceration I saw on you is strong evidence." Hindi siya sumagot bagkus ay umiling-iling na lamang siya. "Malaking patunay ito Miss, isang matibay na evidence ito kung saka

