"Doc Ethan?" Nasa ganoong ayos si Ethan, nakaupo sa tabi ni baby Gideon habang titig na titig sa nahihimbing na munting nilalang. "Doc Ethan?" Muli ay pukaw ni Anastasia, dahil tila hindi napansin ng binatang doktor ang pagpasok niya. "Ahm—eh, ano kasi----- Napapakurap siya ng mata dahil hindi man lang niya namalayan ang pagdating ni Anastasia. "So-sorry! Nawili na ako kay baby Gideon," saad pa niya saka pilit na ngumiti at tumayo mula sa pagkakaupo niya kanina sa kama. "Pansin ko nga po, heheh.. Kanina pa po ako dito, ang galing niyo po ah' napatahan niyo si baby Gidie." Saad pa ni Tasia. "Naku' walang anuman iyon. Heheh, ang cute niya ano? Ang pogi niya—siguro mana sa Daddy niya?" Wika pa niya. Ayaw niyang sabihin iyon dahil nasasaktan siya, pero iyon ang totoo dahil nakikita

