"A-Augustus? Are you sure of the name?" Tila nabigla pa si Doc. Ethan sa pangalan ng baby na nakalagay sa form. "Yes, Doc. bukod sa August ko siya ipinanganak, isinunod ko siya sa pangalan ng lalakeng nakabuntis sa akin." Pang-aamin pa niya sa mga ito sabay yuko ng kanyang ulo at itinuon muli ang kanyang paningin sa kanyang baby. "Hah?!" Napatunganga pati mga kaibigan niya. "Ano daw?!" Sunod-sunod na saad nila. "Wa-what?!" Pati si Doc. Ethan na noon ay kakikitaan mo din ng pagkagulat. "Ikaw babaita ka, akala ko ba hindi mo kilala ang Ama ni baby? Ba-bakit ngayon' sasabihin mo sa amin na----- "Aggggg! Bestie, ano ba? Sabi mo sa amin, hindi mo kilala ang nakabuntis sa'yo?" "Sorry! Sorry, kung nagsinungaling ako sa inyo, kilala ko siya' hindi sa pagkatao niya kundi kilala ko siya' sa

