_MAFIA BOSS VS. LITTLE CREATURE

1082 Words

"Gidie, let's go! Kailangan na nating umuwi dahil baka mamaya niyan, aalis na si Nanay." Nasa simbahan sina Enna kasama ang Nanay niyang si Aling Minda at ni Gideon ng araw na iyon—araw ng linggo. Katatapos lamang ng unang misa at sila ay nagpunta muna sa may likurang bahagi ng simbahan upang magtirik ng mga kandila. "Tara na Gidie," saad pa ni Enna pagkatapos niyang makapag-alay ng dasal sa mga kandilang itinirik nilang mag-ina. Hinila niya ang munting kamay na iyon ng bata, na hindi man lang tinitingnan kung ito nga ang kanyang alaga. "Hoy! Anak ko 'yan! Teka, kidnapper kaba?" Mula sa kanilang likuran ay may narinig silang isang Ginang na sumisigaw. Lumingon sila ni Aling Minda, at dito napagtanto nilang ibang bata ang nahila nila. "Te-teka, Inay!" Saad ni Enna na puno ng pagkagul

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD