"Anong ginagawa mo Alfredo? Papatay-patay ka! Nasaan si Gabriel?!" Galit na sigaw ni Don Ricardo Valderama ang Lolo ni Gabriel. "Why Papa, may nangyari na naman ba?" "Bullshit Alfredo! Wala ka talagang alam! Ang Victor na iyon' isinugod sa hospital dahil lumalala na daw ang sakit niya! He's dying!" "And so Papa' mabuti nga iyon eh, nang wala na tayong problema. Okay na iyon, nang hindi na siya magsalita pa sa mga Villarin." Saad naman ni Alfredo sa Ama. "And that's the problem! Unahan ninyo ang mga Villarin, ngayon din magpapunta ka ng mga tao sa hospital! Sinasabi ko sa'yo Alfredo, sasabit tayo oras na magsalita ang Victor na iyon! Kilala ko si Lauro at Estrella, hindi sila titigil hangga't hindi nila nalalaman ang totoo!" Dito biglang napatayo mula sa kanyang kinauupuan si Alfredo.

