Honeymoon

1064 Words
Kumapit akong mabuti sa braso ni daddy, habang naglalakad kami papasok sa loob ng simbahan. Napapikit pa ako dahil sa liwanag na nagmumula sa loob. Nang dumilat ako ay nakita ko ang mga tao na nasa loob. Lahat sila ay nakangiti sa akin at gumanti rin ako ng ngiti sa kanila. Nakikita ko ang saya sa mga mata nila para sa akin. Nakita ko rin ang pamilya ko na may ngiti sa mga labi. Maging si Mavis na kumaway pa sa akin at nakangiti. Nakikita ko ang tuwa sa mga mata niya, kaya ngumiti din ako sa kanya. Inilipat ko ang tingin sa lalaking mahal ko. Oonga pala, hindi ko pa siya pinapakilala. He is Gray Mcdavid. Ang lalaking pakakasalan ko ngayon at magiging asawa. Nakita ko ang mga ngiti sa labi niya at tila maging ang mga mata niyang may bahid ng luha sa tuwa. Tila na nawala ang kaba at takot na nararamdaman ko kanina, dahil nakita ko na siya. Ang lalaking mahal ko, si Gray.  Habang naglalakad kami papalapit sa kanya ay hindi ko inaalis ang tingin sa kanya. Maging ang mga ngiti namin sa isa't isa ay hindi mawala.  Nang makalapit na kami ni daddy ay nakipagkamay pa siya, bago ako ibinigay ni daddy sa kanya. Iniabot niya ang kamay sa akin at buong puso ko iyong tinanggap. Nakangiti kami habang sabay kaming naglakad, patungo sa nanghihintay na pari na siyang magkakasal sa amin.    "Congratulations!" sigaw ng lahat matapos ang ceremonya ng kasal namin ni Gray. Naglalakad na kami papalabas, habang may sumasaboy ng mga bulaklak.  "Thank you!" ganti ko sa kanila. Nakita ko rin ang ilan sa kaibigan namin ni Gray, na tuwang-tuwa sa amin. Nakikipagapiran kay Gray at yumayakap namin sa akin. Ramdam na ramdam ko ang kasiyahan nila para sa aming dalawa. Kaya naman matapos sa simbahan ay dumeritso na kami sa reception at doon tinuloy ang kasiyahan. "Congratulations!" muling bati nila sa amin ni Gray.  "Thank you for coming!" sabi naman ni Gray sa mga ito. "Honey, restroom lang ako saglit," paalam na bulong niya sa akin. Tumango ako sa kanya, saka siya umalis. Kaya naman nakipaghalu-bilo muna ako sa mga bisita namin, lalo na sa kaibigan ko. "So, kailan niyo balak magka-baby?" tanong ng isa sa kaibigan namin na si Trisha. Napahampas ako sa braso niya. "Hindi naman namin kailangan balakin pa namin 'yon no!" natatawang sabi ko sa kanya. "Oonga naman! Kahit ngayong gabi pwedi! Di ba besty? Hahaha!" sabi naman ni Mavis at tumawa.  Natawa naman ang lahat sa sinabi niya. Mayamaya ay may biglang humalik sa pisngi ko. Si Gray. "Ano iyong narinig ko, huh?" sabi niya at natatawang tiningnan ang mga kaibigan namin. "Naku! Alam mo na ang kailangan mong gawin! Dapat maging ninang at ninong kami sa magiging first baby niyo!"  "Oonga naman!" "Syempre naman oh! Di ba honey?" sabi ni Gray at kumindat pa sa akin. Kaya naghiyawan ang lahat dahil sa sinabi niya. Marami pang nangyari sa araw na iyon at masaya ako dahil masaya silang lahat para sa amin. Kaya naman nang gabi ay nagpaalam na kami ni Gray sa kanila. Napuno na naman nang asaran dahil nasisiguro sila sa kung anong gagawin namin. Nakipagbiruan pa si Gray sa kanila bago kami umalis.  Nasa isang luxury hotel ginanap ang reception, kaya may sarili din kaming kwarto dito at pag aari ito ng pamilya namin. Mas gusto nina daddy na dito ganapin ang reception, para kung mapagod o nais naming magpahinga ay may magiging sarili kaming kwarto. Kaya naman habang nasa loob na kami ng kwarto. Umupo ako sa isang upuan, paharap sa malaking salamin. Unti-unti kong tinatanggal ang nasa buhok ko. Maging ang kwentas na nasa likod at earings. Napasulyap ako sa singsing na nasa kamay ko. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa nakikita ko. Tanda ito nang pagmamahalan namin ni Gray sa harap ng diyos at hindi ko kailanman pagsisisihan na naging asawa ko siya. Hindi ko napansin ang biglang paglapit sa akin ni Gray. Yumuko siya at yumakap sa akin.  "It's beautiful," sabi ko habang nasa singsing ang tingin. Inilapit niya ang kamay niya at pinagdikit ang kamay namin, kung saan naroon ang singsing namin pareho. Napangiti ako. "I'm so happy, Gray," sabi ko sa kanya. Naramdaman ko ang paghalik niya sa buhok ko.  Inalalayan niya akong tumayo at pinaharap sa kanya. Nakita ko ang saya sa mukha niya. Hinawakan niya ang mukha ko at marahan itong hinahaplos. "Masaya rin ako dahil ikaw ang makakasam ko, sa bagong kabanata ng buhay ko, Hailley," nakangiting sabi niya sa akin. Mayamaya ay unti-unti niyang inilapit sa akin ang mukha niya at naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa akin. Marahan niyang ginalaw ang labi niya sa akin, na agad ko namang tinugunan. Buong puso akong nagpapaubaya sa halik na pinagsasaluhan namin. Mayamaya ay naramdaman ko ang kamay niya sa likod ko, na unti-unting binababa ang zipper ng suot kong gown. Hanggang sa naramdaman ko ang pagbagsak nito sa sahig. Kumilos rin ang kamay ko at inalis sa kanya ang suot niyang coat. Inaalis niya ang damit ko at ganoon rin ang ginagawa ko sa kanya, habang naghahalikan kami. Mayamaya ay bumitaw kaming pareho at napatitig sa isa't isa. Nakita ko kung paano niya ako tinitigan, kahit may suot pa ang undies at bra. Napangisi siya at natigilan ako, nang tuluyan niyang hinubad ang natitira niyang saplot sa katawan. Kaya naman napatitig ako 'doon' sa pagitan ng heta niya, bigla akong tumalikod sa kanya dahil sa kakaiba kong nararamdaman. Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako nakakita nang ganoon. Minsan may napapanood akong porn video's pero hindi ako tulad ng iba na madalas manood noon. I have limits and Gray doesn't want me to watch porn video's.  Tanging halik at yakap lang ang ginagawa namin noon ni Gray. Ayaw niyang lumagpas at natutuwa ako dahil doon. Kaya alam ko ngayon, na nasasabik siyang tuluyan na akong maangkin. Dahil nga, tuluyan na akong napunta sa kanya at asawa na niya ako. May karapatan na siyang gawin ang gusto niya sa akin. Ngunit alam kong e-rerespto niya kung ano man ang magiging desisyon ko, kapag ayaw ko. But this night, I want him to be happy. Kaya ibibigay ko sa kanya ang gusto niya. Subalit naroon pa rin ang takot sa isip ko, kaya nag aalangan ako sa kung anong maging resulta.  Dahil alam kong masakit kapag first time!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD