bc

Cheating his Billionairess Wife (Spg)

book_age18+
160
FOLLOW
1K
READ
revenge
independent
billionairess
drama
bxg
realistic earth
betrayal
cheating
first love
punishment
like
intro-logo
Blurb

Hailley was a nice person and have a long-time boyfriend. When they got married, she found out

everything that she was used by him. In order to gain her wealth. Mavis–her bestfriend was the one that the love of his husband. She was betrayed by them and played. Is can forgive them? Or she will make them pay for what they have done.

chap-preview
Free preview
Wedding
Kasal. Isang magandang pangyayari sa buhay, lalo na ng isang babae. Iyon ang araw kung kailan makakasama mo ang taong mahal mo sa harap ng altar. Masasaksihan ng diyos, ang pag iisang dibdib ng dalawang nagmamahalan. Maraming makakakita at magiging masaya para sa mga ikakasal. Higit sa lahat, para rin iyon sa panibagong kabanata, para sa pagsasama ng dalawang tao. Nakita ko na ang larawan nina mommy at daddy noong ikinasal sila. Nakikita ko ang tuwa at saya sa mga mata nilang dalawa, na talagang totoo at tapat ang kanilang pagmamahalan. Iyon ang gusto kong makita at maramdaman. Hindi ko aakalaing sa haba ng panahon, nang aming pagsasama ay siya rin ang makakatuluyan ko. Simula pa lang makilala ko siya ay talagang nagustuhan ko na siya. Hindi ko nga lang iyon pinapakita sa kanya, kasi nga baka kung anong isipin niya. Nagulat na lang ako isang araw nagpaalam siya sa aking liligawan ako. Syempre pakipot pa ako, dahil nga nagulat ako pero tinanggap ko siya. Hinayaan ko siyang ligawan ako noon at masaya para sa akin ang bestfriend kong si Mavis. Suportado niya kaming dalawa at nakakatuwa iyon. Naalala ko pa noong oras na nagtalo kami, si Mavis ang labis na nagagalit sa kanya. Inaaway siya ni Mavis dahil minsan ay umiiyak ako dahil sa kanya. Ayaw akong makita ni Mavis na nasasaktan, ang sarap sa pakiramdam no? Bestfriend ko na nga, tagapagtanggol ko pa. Kaya ang swerte ko dahil siya ang naging bestfriend ko. Noong nagpropose siya sa akin, subrang saya ko, kahit hindi ko sabihin nang derekta sa kanya ay masaya talaga ako. Pumayag ako sa alok niya at subrang saya ni Mavis para sa aming dalawa. Maraming naiingit sa akin, dahil nga sa araw ng graduation pa namin niya iyon ginawa. Agaw eksena nga sabi nila, pero wala na akong pakialam dahil subrang saya ko na. Matapos niyang magprospose sa akin noon, ay sinabi niyang matagal siyang nag ipon para lang sa kasal naming dalawa. Kaya naman makalipas ng isang taon, ito na nga at ikakasal na kaming dalawa. Hindi ko mapigilan ang tuwang nararamdaman ko dahil ikakasal na ako sa taong mahal ko. Nararamdaman ko naman kung gaano rin siya kasaya para sa aming dalawa. "Hoy!" Natigilan ako at napatingin sa salamin na nasa harapan ko. Nakita ko doon na nasa likod ko si Mavis. Nagtataka siyang nakatingin sa akin. "Anong nangyayari saiyo at tulala ka diyan? Girl, ikakasal ka lang hindi ka bibitayin. Umayos ka at naghihintay na ang groom mo sa simbahan," sabi niya sa akin. Bahagya pa akong napakamot sa pisngi ko. Hindi ko alam na kanina pa pala ako tulala. "Well, I'm so nervous, Mavis. Naaalala ko lang iyong mga panahon kasama ko siya at noong una ko siyang nakilala. Hindi ko lang talaga aakalain na siya talaga ang makakatuluyan ko," nakangiting sabi ko sa kanya. Pinaikot niya ang mata niya at napapailing na umiwas nang tingin sa akin. Tila ba nagsasawa na siya sa mga sinasabi ko, kahit pa nakikinig naman siya. "Yeah, alam ko iyan, sa ngayon isipin mo munang kasal niyo ito. Isipin mong naghihintay siya saiyo, kaya huwag ka nang tulala diyan halika na," sabi niya sa akin. Tumango ako at ngumiti sa kanya. Napagmasdan ko ang ayos niya at masasabi kong maganda siya sa suot niya ngayon. Sabagay, kahit anong isuot niya ay bagay na bagay naman sa kanya. Minsan nga siya pa ang pumipili ng damit na babagay sa akin. Inalalayan niya ako at may tumulong sa amin para buhatin ang laylayan ng mahabang gown na suot ko. Nang makarating kami sa sasakyan ay nakita ko si daddy na nakaabang. Lumapit siya sa akin at siya na ang umalalay sa akin papasok sa kotse. Samantalang si Mavis naman ay doon sa kabilang kotse sumakay, saka naunang umalis patungo sa simbahan. "Dad?" tawag ko kay daddy habang nasa loob na kami ng kotse. Tumingin siya sa akin at ngumiti. "Yes, princess?" "Anong pakiramdam niyo, noong ikinasal kayo ni mommy?" tanong ko sa kanya. Napaisip naman siya at tila inaalala ang sandaling ikinasal sila. Mayamaya ay muli siyang tumingin sa akin, habang may ngiti sa labi. "Subrang saya ko nang sandaling iyon, pero kabado rin. Ngunit nang makita ko na ang mommy mo, nawala bigla ang kaba ko. Nakita ko kasing parang isang anhel na naglalakad noon ang mommy mo. Nakakawala nang kaba at para bang nasa langit ako nang sandaling iyon," masayang sabi ni daddy. Naramdaman ko rin ang saya, na nararamdaman niya. Siguro nga, dahil mahal na mahal niya si mommy. Nasisiguro kong ganoon rin ang mararamdaman ko sa kanya. Marami pa kaming napag usapang masasayang sandali ni daddy, hanggang sa nakarating na kami sa simbahan. Nakikita ko ang daming tao na unti-unting pumapasok sa simbahan. May lumapit sa aming isang babae at nakilala ko siya dahil isa siya sa organiser ng kasal namin. Sinabi niya sa amin na hintayin muna naming makapasok ang lahat bago ako pumasok. Tumango lang kami ni daddy sa kanya. Nakita ko si Mavis na lumapit sa amin. "Girl, umayos ka huh? Ayusin mo ang lakad mo, maging ang kaba na nararamdaman mo. Kasal mo ito kaya dapat nakangiti ka at hindi umiiyak okay? Sige, mauna na ako saiyo doon," sabi niya. "Sige," sagot ko sa kanya. Naglakad siya papunta sa harapan nang simbahan, habang nakatanaw naman ako doon. Nakita kong isa-isang pumasok ang mga tao sa loob ng simbahan. Nais ko sanang makita man lang ang lalaking pakakasalan ko, pero hindi ko makita. Siguradong nasa loob na siya at naghihintay sa pagpasok ko. Nang makapasok na ang lahat ay saka lang kami lumabas ni daddy sa bridal car na sakay namin. Inalalayan ako ni daddy upang pumunta na sa harapan ng simbahan. Nang nasa harap na ako, ay bigla akong nanlamig at unti-unti kong naramdaman ang kaba sa dibdib ko. Kaya napahigpit ang hawak ko sa kamay ni daddy. Napansin kong napalingon siya sa akin. "Relax ija, huwag kang masyadong kabahan," sabi sa akin ni daddy at nginitian ako. "Eh, hindi ko kasi maiwasang kabahan dad," sabi ko sa kanya. Humarap siya sa akin at niyakap ako. "Masaya ako dahil ikakasal ka sa lalaking mahal mo, Hailley. Kaya maging masaya ka sa araw na ito, kasama ang lalaking naghihintay saiyo sa loob," tanging sabi ni daddy. Bahagya akong napatango at napansin ko ang unti-unting pagbukas ng pinto. Humiwalay sa akin si daddy at ngumiti muna sa akin, saka ako inakay na maglakad na papasok sa simbahan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
75.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook