Cheat 8

2009 Words
Naglakad kaming tatlo patungo sa chopper na sasakyan namin patungo sa palawan. Nasa rooftop lang rin kami ng hotel at inutusan namin ang ilang staff na dalhin ang ilang gamit namin na dadalhin sa palawan. Tinulungan ako ni Gray na makasakay sa chopper, maging si Mavis ay tinulungan siya. Sa likod kami umupong tatlo at magkatabi. Nilagay naman sa likod namin ang dalawang maleta, na gamit namin at ni Mavis. Sa harapan naman namin ay naroon ay isang pilot at isa pang tauhan namin. "Wow, ito ang pangalawang beses na makakasakay sa ganito ng saya naman," masiglang komento ni Mavis. "Sus, parang hindi ka naman nakakasakay ng airplane. Pareho lang naman iyon dito," sabi ko sa kanya habang inaayos ang sarili ko. "Haha! Pero masaya pa rin iyong ganito kasi makikita mo talaga ang nasa ibaba," tugon naman niya. "Yeah, your right," tanging tugon ko na lang sa kanya. Mayamaya ay kinausap na kami ng pilot, na aalis na kami. Kaya naman, nakita namin ang dahan-dahang pag andar nito, hanggang sa umangat na ito sa ere. Naramdaman ko ang paghawak ni Gray sa aking kamay, kaya napalingon ako sa kanya. Ngumiti ako at isinandal ang aking ulo sa kanyang balikat. Wala na akong pakialam kung nakatingin ba sa amin si Mavis o wala. Subalit, naroon pa rin ang sama ng loob ko. Sama ng loob, na hindi ko masabi sa kanila. Habang nakasandal ako sa kanya ay nakatingin naman ako sa ibaba at inaliw na lang ang sarili sa tanawin na aking natatanaw. Naririnig ko naman ang mga sinasabi ni Mavis, na talagang tuwang-tuwa sa kanyang nakikita. Para bang ngayon lang siya nakasakay sa ganito. Hinayaan ko na lang siyang magsalita at naririnig ko namang tinutugunan ni Gray ang mga sinasabi nito. Isa't-kalahating oras ang naging biyahe namin, nang makita ko na ang sa di-kalayuan ang Palawan. Napangiti ako sa ganda ng aking nakikita mula dito. Sa isang hotel rin na pagmamay ari ng pamilya namin, kami tutuloy at nagawa na rin ni Tita Messy ang pinapagawa ko sa kanya. Kaya naman, nang marating namin ang rooftop ng hotel ay bumaling ako kay Gray. Napansin ko kasing habang papalapit kami ay tahimik lang silang dalawa. Iyon pala ay nakatulog pala si Mavis at nakasandal na sa balikat ni Gray ang traidor kong kaibigan. Habang si Gray naman ay nakadantay rin ang kanyang ulo kay Mavis. Wow lang ah? Pakiramdam ko ang sagabal ako sa kanilang dalawa. Mayamaya ay nagsalita ang pilot namin, nandito na kami saka lang sila naalimpungatang nagising dalawa. Kunwari ay kakagising ko lang din at inayos ko ang aking sarili. "Oh, where here," mahinang sabi ko at muling bumaling kina Gray, na nakatingin na sa paligid. "Hindi ko namalayang nakatulog ako, sayang at hindi ko man lang nakita ang lawak ng Palawan," tila nadidismayang sabi ni Mavis. Natawa naman ako sa sinabi niya. "Maari mo naman sigurong libutin ang buong Palawan, pagkatapos ng trabaho mo di ba? Kasama ang sinasabi mong secret boyfriend mo," nanunuksong sabi ko sa kanya. Nakita ko kung paano nawala saglit ang kanyang ngiti at napasulyap kay Gray, na napatingin naman sa akin. Tila biglang natahimik ang paligid dahil doon sa sinabi ko, hanggang sa marinig kong tumawa ng bahagya si Mavis. "Ahaha! Ikaw talaga, Bes! Syempre naman oh! At talagang tatalunin ko ang lambingan niyong dalawa. Baka nga mauuna na ang honeymoon namin kaysa kasal eh, ahaha!" tumatawa niyang sabi at biglang siniko si Gray. Hindi ako nakapagsalita dahil sa kanyang sinabi. Bigla akong nagsisi, kung bakit ko pa iyon sinabi. "Sira ka talaga," tanging sabi ko na lang at inalis na ang seatbelt sa bewang ko. Wala na akong narinig na salita mula sa kanya, kaya hindi na rin ako nagsalita. Tinulungan ako ng kasama no'ng pilot na makababa sa chopper. Nang makababa ako ay ay sumunod naman si Gray. Nakangiti niyang hinawakan ang kamay ko at sabay kaming naglakad. Akala ko ay aalis na kaming dalawa, pero pagkaliko namin sa chopper ay binitawan niya ang kamay ko at nilapitan si Mavis, saka tinulungan itong makababa. Pakiramdam ko ay tuluyang nawala ang pag asa ko, dahil sa kanyang ginawa. Nakita ko pa kung paano ngumiti si Mavis sa kanya, kaya umiwas na lang ako nang tingin at nilapitan na lang ang ilang tauhan namin na sinalubong kami. Kinausap ko ang mga ito, na dalhin ang gamit namin sa hotel room na nakalaan para sa aming mag asawa. Nang tumingin ako kina Gray at Mavis ay naglakad na silang dalawa palapit sa akin. "Thank you talaga, Bes, sa pagsabay sa akin papunta dito. By the way, kailangan ko na nang mauna sainyo.. okay lang ba?" sabi niya sa akin. Ngumiti ako at nilapitan si Gray. Yumakap ako sa bewang niya, bago sumagot kay Mavis. "Ano ka ba, okay lang iyon at kung aalis ka na talaga..ayos lang rin. Kung tapos ka na sa trabaho mo ay pwedi mo pa rin kaming makasama dito sa Palawan. Medyo hindi kasi ako sanay na hindi ikaw ang nakakasama ko," sabi ko sa kanya. Nakita ko kung paano niya sinuyod nang tingin ang pagyakap ko sa bewang ni Gray, bago siya sumagot sa akin. "Oh? Baka mamaya, maistorbo ko kayong dalawa eh, ayos lang talaga sainyo na makakasama ako pagkatapos ng gagawin kong trabaho?" paniniguro niyang sabi sa akin. Napatingin ako kay Gray, upang marinig ang sasabihin niya. Napatingin naman siya sa akin, bago bumaling kay Mavis. "Of course, you can.. hindi ka na naman iba sa amin at isa pa, palagi naman nating ginagawa ito noon na laging magkasama," nakangiting sabi ni Gray kay Mavis. Hindi ko alam kung tama ba iyong nakita ko kay Mavis. Para kasing saglit siyang napangisi, dahil sa sinabing iyon ni Gray. Napatango siya at muling napasulyap sa akin. "Well, kayo ang bahala, sige, mauna na ako sainyo. Enjoy you day guys!" paalam niya sa amin at nauna nang umalis. Nang makaalis na si Mavis ay saka na rin kami naglakad ni Gray, papunta sa hotel room na nakalaan sa amin. Isang buwan kaming walang trabaho, dahil nais ng mga magulang namin ni Gray na i-enjoy ang honeymoon namin. Actually, isang linggo lang naman kami dito dahil mag o-out-of town kami ni Gray. Syempre, hindi na pweding sumama sa amin no'n ni Mavis. Ano na lang ang tawag no'n sa kanya? Tsk! Bago ko pala makalimutan, naalala ko ang sinabi ni Tita Messy kanina. Sinabi niya sa akin, na may nilagay silang hidden camera sa lobby ng hotel, sa elevator na malapit lang sa floor namin. Maging sa floor kung saan naroon ang room namin. Sa room naman namin, isa sa sala, sa kwarto at maging kitchen. Lahat ng hidden cameras na pinalagay ko ay nakakonekta na ngayon sa phone ko. Gusto ko lang masiguro kung ano nga ba ang mangyayari sa honeymoon naming ito, o honeymoon nga ba ang matataway sa nangyayari sa amin. Palihim akong napabuntong-hininga, hanggang sa makasakay kami sa elevator na maghahatid namin sa ibaba, kung saan naroon ang room namin. "Kanina ko pa napapansin na tila ang lalim ng iniisip mo. Ayos ka lang ba?" mayamaya ay biglang tanong sa akin ni Gray. "Huh? No, I'm just tired and I'm hungry too. Can we eat when we get there at our room?" panlalambing ko sa kanya. Napangiti naman siya sa akin at hinalikan ang noo ko. "Oo naman, kung gusto mo ako ang kainin mo, eh. Mas masarap ako," nakangising sabi niya sa akin. Natawa naman ako sa sinabi niya at bahagyang hinampas ang kanyang braso. "Ikaw talaga, maaari nating gawin iyang nasa isip mo. But for now, I want a food. Nagugutom na ako, kahit nakakain na tayo kanina," wika ko. "Okay, ihahatid kita sa kwarto natin at baba ako para mag order ng pagkain mo," sabi niya sa akin. "Why? We can call them and order some food. You don't need to get there," nagtatakang sabi ko sa kanya. Hindi agad siya nakapagsalita at bahagyang napangiti, saka hinaplos ang pisngi ko. "Yeah, we can do that. Ngunit, gusto kong ako mismo ang pipili ng makakain mo doon sa ibaba. Okay lang naman saiyo iyon di ba?" aniya. Napaisip ako saglit sa sinabi niya. Nais ko pang magdahilan, ngunit baka magtaka pa siya sa mga sasabihin ko. Kaya tumango na lang ako upang matapos na ang usapan. "Sige, ikaw bahala," tugon ko na lang sa kanya. Matapos no'n ay bumukas na ang elevator at inakay niya ako papunta sa room namin. Nang makapasok kami sa silid ay nagulat na lang ako, nang bigla niya akong isandal sa pader at biglang hinalikan. Hindi agad ako nakatugon sa biglaang halik niyang iyon, subalit, sinubukan ko pa ring tugunan ang halik niya. Halos nagpapaligsahan kami, sa kung sino ang unang mauubusan ng hininga. Dama ko ang pagmamahal sa bawat halik na binibigay niya sa akin, subalit, kasabay no'n ang sakit. Lalo na at alam kong may tinatago siya sa aking kasalanan. Mayamaya ay huminto siya sa paghalik sa akin at bahagyang nagtataka sa nakita niyang reaksyon ko. "W-Why are you crying, Honey?" nagtataka niyang tanong sa akin. Agad kong pinahid ang aking luha at umiwas sa kanya nang tingin. Hindi ko namalayang umiyak na pala ako, ayoko pa naman na makita niyang umiyak ako. Ayokong ipakita sa kanya ang kahinaan ko, gusto kong makita niya akong masaya. Subalit, darating talaga ang oras na hindi ko na mapigilan ang sakit na aking nararamdaman. "Hon?" "N-Nothing, I'm just happy, that you really love. Sige na, pumunta ka na sa ibaba. Hihintayin na lang kita dito," sabi ko sa kanya at naglakad patungo sa couch. "Sigurado kang ayos ka lang?" nag aalala niyang tanong sa akin at umupo sa tabi ko. "Yeah, okay lang ako," nakangiting sabi ko sa kanya. "Okay, sabihin mo lang sa akin kung may nais kang sabihin, okay? Ayokong sarilihin mo kung ano man ang dinaramdam mo. Sige, pupunta na ako sa ibaba para maka-order ng pagkain," paalam niya sa akin at hinalikan ako sa aking noo, saka siya tumayo. Naglakad siya patungo sa pinto at lumingon pa sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya, bago siya tuluyang lumabas sa pinto. Nang makalabas siya ay agad kong kinuha ang isang cellphone, kung saan nakakonekta na ang lahat ng hidden cameras na pinalagay ko. Mabilis ko itong binuksan, saka tiningnan ang mga footage ng hidden cameras. Nakita ko kaagad si Gray na naglalakad patungo sa elevator. Ngunit, napansin kong may kinuha siya sa phone niya, na tila may tumatawag. Sinagot niya ito at kinausap kung sino man ang tumatawag. Mayamaya ay nakita ko kung paano niya tingnan ang mga numero ng pinto. Kaya napakuno't noo ako. Naglakad siya pabalik at akala ko babalik siya dito sa silid namin. Subalit, nakita kong bumukas ang isang pinto na katabi lang ng hotel room namin at nagulat ako, nang makita kung sino ang nasa pinto. "M-Mavis?" nagugulat na sambit ko habang nakatingin ngayon dito. Nakasuot ito ng nighties na damit, na halos kita na ang kung ano man ang nasa loob nito. Nakita ko pa kung paano napangiti si Gray, habang nakatingin ngayon kay Mavis at nilapitan niya ito. Nakita ko kung paano siya salubungin ng halik ni Mavis at ang pagyakap ni Gray sa bewang niya. Napatakip na lamang ako ng aking bibig, habang nakatingin sa kanilang dalawa na naghahalikan. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa aking nakita, para bang may kung anong karayom na tumusok sa dibdib ko. Kasabay no'n ang luhang kanina pa gustong lumabas sa aking mga mata. Matapos nilang maghalikan ay pumasok na sila sa loob ng kwarto at isinara ang pinto. Napapikit na lang ako at nilapag sa tabi ko ang phone, habang patuloy na umiiyak. Paulit-ulit kong tinatanong sa aking isipan, kung bakit nangyayari ito sa akin. Bakit silang dalawa pa? Bakit nila nagagawa ito sa akin? Pinagkatiwalaan ko sila ng subra pero ganito ang gagawin nila sa akin? Ano bang kasalanan ko upang maranasan ko ang kakaibang sakit na ito, na kailanman ay hindi ko pinangarap na maramdaman. Higit sa lahat, bakit kailangang sa kanila ko pa maramdaman ito!

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD