Nasa isang mall ako ngayon at kasama ang aking mga bodyguard. Sa lahat ng aking puntahan ay lagi silang nakasunod sa akin. Mabuti nga at pinayagan akong lumabas ngayon kaya lamang ay ito nga at kailangan palaging kasama ang mga bodyguard ko na ito. Halos isang linggo na din ang nakalipas mula ng huling magkita kami ni Ninong at miss na miss ko na talaga ito kaya lamang ay hindi na ito muling bumalik sa bahay namin dahil na din sa nag-iingat itong hindi kami mahuli. Hanggang sa makalapit ako sa ladies section dito sa mall at habang pumipili ng damit ay nakarinig ako ng mahinang sitsit at hinanap ko naman agad ito. Nakita ko naman si Ninong na nagtatago ngayon sa kumpulan ng mga dress. Maingat akong lumapit dito at ang mga bodyguard ko ay hindi naman nakakahalata. "Ninong anong ginaga

