"Mom bakit po?" Tanong ko dito na hindi nagpapahalata na may ibang tao dito sa aking kwarto. "May kasama ka ba dito?" Balik tanong nito sa akin. "Wala naman po Mom." Sagot ko dito at pumasok pa ito sa loob ng aking kwarto at nagtitingin-tingin. Pinapanalangin ko na lamang sana ay walang mapansin ito. Malakas pa naman ang radar nito kaya naman kailangan na hindi ito makahalata. Lumapit pa ito sa aking sliding window at dumungaw dito. Hanggang sa aking sliding door na papunta ng terasa ng aking kwarto. "Sigurado ka bang wala kang kasama dito?" Tanong pang muli nito na tila hindi naniniwala sa akin. "Mom wala talaga akong kasama,bakit ba kasi itinatanong n'yo yan sa akin?" "Narinig ko kasi na sumisigaw ka o mas tamang sabihin ay umuungol ka?" Sagot nito sa akin. "Sa totoo lang mabut

