Nang makalabas si Ninong mo mula sa loob ng banyo ay natawa na lamang ako sa hitsura nito dahil pinagkasya n'ya talaga ang aking damit sa katawan n'yang hindi naman papahuli sa mga kabataan ngayon.Well.toned pa din kasi ang katawan ni Ninong hanggang ngayon dahil sa madalas din itong nasa gym kaya naman kahit nga may edad na ay hindi din mapapansin sa kan'yang mukha dahil para lamang itong kaedad ko. "Sabi ko na nga ba pagtatawanan mo na naman ako, ibabalik ko na nga lang iyong damit ko kanina.' Sabi pa nito at babalik na sana sa banyo ng pigilan ko ito at maging ang aking pagtawa ay pinipigilan ko na din. "Sorry naman Ninong ang cute mo kasi d'yan sa suot mo,wait nga lang at kukunan kita ng picture para naman may remembrance na nagpasuot kita ng ganyan ka-cute na damit." Sabi ko pa di

