"Madam, s'ya po si Sir Blake Shelton ang may-ari ng magarang bahay sa tapat nitong bahay n'yo."Sabi pa ni Mang Solomon at masama pa din ang tingin sa akin ng lalaking ito habang nilalapatan ni Mang Solomon ng yelo ang bukol n'ya sa noo Ito ata ang unang tinamaan kanina kaya ang laki talaga ng bukol n'ya. "Nakikita mo yan!?"Inis na tanong pa nito na bagama't tagalog ang salita ay iba talaga ito kung magsalita parang iyong mga foreigner sa T.V kung magsalita s'ya. Sa totoo lang nagi-guilty ako sa bukol n'ya sa ulo pero anong magagawa ko kung inakala kong isa s'yang magnanakaw. Natural lang naman na magpapanic ako.. "Alam mo Mr.Slang, hindi ka naman magkakaroon n'yan kung hindi ka pumasok sa dito sa bahay at kumukuha ng stock namin dito." Mataray na sabi ko pa dito. "Madam I think it'

