Nagising ako sa mahinang tapik sa aking pisngi. "Madam,nandito na po tayo." Sabi ng sumundo sa akin na hindi ko pa alam ang kan'yang pangalan. "Ano ho ba ang pangalan n'yo?" Tanong ko dito. "Solomon po Madam!" Sagot nito na may napakagandang ngiti sa kan'yang mga labi. "Matagal na ba kayong naninilbihan sa amin, hindi ko kasi kayo nakikita noon dito?" Tanong ko pa dito. "Sa totoo lang po ay halos limang taon palang akong nag-aasikaso ng bahay n'yo dito sa Los Angeles at napakaswerte ko po dahil ako ang napili ng ama n'yo na mag-alaga ng bahay n'yo." Sagot nito sa akin. Sa totoo lang ay hindi naman kami ganoon kayaman kumpara kay Ninong na mula pagkabata ay may gintong kutsara na sa kan'yang bibig. Kaya lamang kami nagkaroon ng mga properties dito sa ibang bansa ay dahil na din sa pa

