Stephanie POV
"Alam mo Candice,maging mapagmatyag ka naman sa kilos ng asawa mo baka mamaya ay kung ano na ang ginagawa n'yan." Sabi ko sa aking matalik na kaibigan.
"Ang akala ko ba botong-boto ka kay Zachary?Bakit ngayon ay tila yata parang pinagdududahan muna s'ya." Sabi pa nito sa akin.
"May tiwala naman talaga ako kay Zachary pero sa impaktang kapatid Monday wala Best," sagot ko dito.
"Si ate Monica,,bakit naman nadamay s'ya sa usapan natin ngayon."
"My god naman Best,alam mo naman siguro kung paano n'ya inahas noon ang ka MU ko na sasagutin ko na sana kung hindi lamang s'ya biglang umeksena." Sabi ko dito.
"Huwag na nga sila ang pag-usapan natin,,kumusta ang flower shop, pasensya ka na medyo alam mo naman na busy din ako after ng vacation namin." Tanong na lamang nito sa akin.
Si Candice kasi at ako ay nagmamay-ari ng isa sa mga nakikilala na ngayon na flower shop sa Pilipinas.
"Okay naman mas lumalaki ang demand ngayon dahil na din sa mga celebrities na kumukuha ng mga imported na bulaklak sa atin sa mga event nila at ang iba naman ay magagaling na event coordinator na laging tayo ang kinukuha din na suppliers nila." Sagot ko dito.
"Kayo kumusta ang vacation o tamang term ata ay kumusta ang second honeymoon n'yo magkakaroon na ba ulit ako ng inaanak?" Tanong ko dito dahil malaki na din si Felicity kaya naman mas maganda na magkaroon na ito ng kapatid.
"Okay naman ang vacation namin at sobrang saya ko din dahil sa wakas ay nagkaroon kami ng quality time ulit sa isa't-isa kasama ang anak namin,,kaya naman Best, tigilan muna ang kasasabi sa akin na bantayan ko si Zach dahil sa totoo lang sa tagal namin na nagsasama ay hindi pa n'ya ako niloko at alam mo yan."Ani pa nito na tama naman pero lately kasi ay napapansin ko na medyo nagiging malapit ito sa stepsister n'ya na si Monica na wala ng ibang ginawa noon pa man sa bestfriend ko ku'ndi kunin ang lahat ng meron ito.
"Bakit kasi kailangan pa na tanggapin n'yo sa kompanya ang Monica na iyon Best,, marami naman ibang kompanya di ba! Bakit sa kompanya n'yo pa?" Tanong ko dito.
"Best,alam mo naman na dumadaan pa din sa HR ang mga aplikante sa kompanya nila Zachary at isa pa ay pumasa si Ate sa lahat ng interview kaya naman natanggap s'ya bilang secretary ni Zach ay dahil sa galing n'ya sa interview at maging sa trabaho n'ya ngayon ay nakikita naman namin na dedicated talaga s'ya." Paliwanag nito sa akin.
"Alam mo Best,sobrang bait mo talaga d'yan sa kapatid mo,,biruin mo noon halos lahat ng kamalditahan ginagawa n'ya sa'yo pero hindi ka nagsusumnbong sa Dad mo." Paalala ko pa dito sa lahat ng ginawa sa kan'ya ni Monica.
"Ano ba ang gusto mo ang tanggalin ko s'ya sa trabaho ng walang dahilan,,gusto mo ba na makasuhan ako Steph at ang kompanya may kontrata s'ya."
"Ang gusto ko lamang Best sana ay maging mapagmatyag ka sa kapatid mo na yan,,dahil sa bestfriend mo ako kaya naman syempre concerned ako sa'yo at inaanak ko." Sabi ko dito.
"Thank you Best,pero wala naman akong nakikita na mali sa ikinikilos ni Ate at kung mayroon man ay sasabihin ko din naman agad sa'yo, you are my bestfriend at alam mo ang halos lahat sa buhay ko noon pa man. "Wika pa nito..
"Labas na lang kaya tayo para naman natigil na ang kakaduda mo d'yan kay Zachary,dahil ako na mismo ang nagsasabi sa'yo Best, hindi ako lolokohin ng asawa ko ." Sabi pa nito na malaki talaga ang tiwala sa asawa n'ya.
Hindi ko din naman ito masisi kung bakit ganito ang tiwala nito sa asawa dahil bukod sa napakabait nito ay responsible naman talaga sa kanilang mag-ina,, sad'yang nang malaman ko na ang secretary pala nito ay ang haliparot na si Monica kaya naman nagbibigay lamang ako ng babala para sa matalik ko na kaibigan na itinuturing ko na din na kapatid kaya naman ayaw ko na masasaktan ito.
Wala akong tiwala sa Monica na iyon dahil minsan n'ya na akong trinaydor at kahit pa nagsorry na s'ya ay alam ko naman na napipilitan lang ito
Hindi ko nga maintindihan dito sa bestfriend ko kung bakit ba lahat ng hilingin sa kan'ya ng stepsister n'ya na iyon ay ibinibigay n'ya.
"Mabuti pa nga Best,, actually may nakita akong magagandang designs na damit ngayon sa isang mall at tiyak ko maging ikaw ay magugustuhan mo iyon." Excited na sabi ko pa dito.
Magkasundo kasi kami nito pagdating sa mga styles ng damit,yes mahilig kami sa mga sexy but not revealing na parang mga viva max leading lady na ang datingan.
Hinintay ko na lamang ito hanggang sa matapos s'ya sa kan'yang pag-aayos sa sarili nito.
Sana lamang ay h'wag gumawa ang Monica na iyon ng kalokohan dahil once na may gawin s'ya kakalbuhin ko talaga s'ya at ipapakain ang mga laman n'ya sa mga piranha.
"Best sinong kausap mo d'yan?"
"Wala naman Best,ang ganda kasi nitong si Goldie mo, infairness ilang taon na ba s'ya?"
"Nasa almost a year palang s'ya sa akin,bakit mo naman natanong?"
"Wala naman Best,halika na dahil baka matraffic tayo." Sabi ko na lamang dito.
'"Sa kotse muna lamang tayo dahil hindi ako magdadala ng kotse." Sabi nito at dumiretso na nga kami sa kotse ko.
"Saglit lang tayo ah! Susunduin ko pa kasi mamaya si Felicity." Sabi pa nito.
"Napakahands-on mo talaga pagdating kay Felicity," nakangiti na baling ko pa dito.
"Oo naman kaya nga minsan ay nahihiya na din ako sa'yo,dahil palagi akong busy sa mag-ama ko,pero promise babawi na ako ngayon taon,dahil sigurado na ako na mapagkakatiwalaan ko si Leni pagdating kay Felicity " sagot nito na binanggit pa ang Yaya ni Felicity na magtataka talaga kung Yaya ba ito isang mayaman na babae din,dahil hindi talaga halata sa mukha nito na galing ito sa mahirap na pamilya.
"Si Yaya Leni mabait nga s'ya at nafefeel ko din naman iyon kaya naman approved din s'ya sa akin Best kung sakali man na magiging active ka na sa business natin ay sigurado akong maalagaan n'ya si Felicity ng maayos."
Hanggang sa makarating kami sa mall at tulad ng nakasanayan namin lahat ay susukatin muna namin bago kami pipili ng bibilhin namin.
Masaya ako kapag kasama si Candice,dahil bunso ako na anak at ang mga kapatid ko naman ay puro lalaki kaya naman kay Candice ay aking nararamdaman na may kapatid akong babae na masasandalan ko sa tuwing may mga problema din ako.
Ito lang din ang nakakaalam nang matagal ko ng itinatago na sikreto.
Sa tagal namin na magkaibigan nito lahat nga ng parte sa katawan ng bawat isa sa amin ay kabisado na namin dalawa.
Maging kung saan nakalagay ang mga birthmark namin.
Mga gustong pagkain at mga ayaw namin,,halos hindi naman kami sobrang magkatulad ni Candice, may ugali pa din syempre kami na minsan ay hindi din sinasadya na magkatampuhan kami.
Pero dahil nga parang hindi na namin kaya mabuhay ang wala ang isat-isa kaya naman nagbabati din kami agad nito.