6 Months later
Hindi ko alam ang mararamdaman ko ngayon habang papunta kung saan daw ay nahulog ang kotse na sakay si Candice.
Kagagaling lang namin kanina sa isang event at maayos naman kami na naghiwalay nito pero ngayon ay tumawag sa akin si Tita ang Mom ni Candice kaya naman nagmamadali akong nagmamaneho ngayon dahil sobrang nag-aalala ako para sa aking kaibigan.
Hanggang sa makarating ako sa kanila.
Marami ang mga taong nadatnan ko dito na nakikiusyoso sa nangyari.
Agad naman na nakita ko si Tita at iyak ito ng iyak habang yakap-yakap ni Tito.
"Tita ano po ba ang nangyari dito?" Tanong ko sa kanila pero umiling lamang si Tita sa akin.
"Hindi namin alam Iha,ang akala nga namin ay nakauwi na s'ya dahil iyon ang last message n'ya sa akin." Sagot sa akin nito.
"Nahulog ang kotse n'ya at hindi pa din namin nakikita ang kaibigan mo natatakot ako Steph." Sabi pa ni Tita Mara na labis na ang pagtangis ngayon.Nag-iisang anak nito si Candice kaya naman halos maghiysterical na ito.
"Tita mahahanap natin si Candice okay,,tahan na po." Sabi ko dito upang kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam nito.
Maging ako man ay pinapatatag na lamang ang aking sarili pero ang totoo ay labis na din ang pag-aalala ko para dito.
Sana ay inihatid ko na lamang pala, hindi na sana ito napahamak pa,,pero hindi ko maintindihan kung bakit dito s'ya nahulog samantalang malayo ito sa bahay nila at hindi din ito madadaanan pauwi sa kanila.
Kaya naman ano ang ginagawa ng kaibigan ko dito? Ito ang tanong sa aking isipan ngayon na hindi pa masagot.
Hanggang sa lumapit sa amin si Monica na nandito na din ngayon.
Sigurado akong nagbubunyi ito ngayon dahil sa nangyari sa bestfriend ko,wala naman kasi itong ibang ginawa noon pa man ku'ndi ipahamak ito.
"Tita, Dad nahanap na ba si Candice?" Tila nag-alalang tanong pa nito na hindi ko naman magawang paniwalaan.
"Hindi pa anak at hanggang ngayon ay wala pa din kaming balita sa kan'ya." Sagot ni Tito dito.
Hanggang sa inabot na kami ng madaling araw dito ay wala pa din.
Hindi pa din nakikita ang katawan ni Candice.
Hanggang sa itigil muna ang paghahanap dahil tumataas ang tubig sa ilog dahil sa pag-ulan umaasa pa din ako na makikita namin si Candice.
Hanggang sa sinundan na pala ako ni Kuya Kaiser na isang alagad in din ng batas.
"Bunso umuwi na muna tayo dahil baka magkasakit ka naman nito." Sabi nito sa akin.
"Kuya si Candice wala pa din s'ya." Naiiyak na sabi ko dito.
"H'wag kang mag-alala dahil tutulong ako sa paghahanap sa kaibigan mo alam mo din naman na parang kapatid na ang turing ko sa kan'ya kaya naman mahirap din ito para sa akin,, pero hindi pa din natin pabayaan ang sarili natin." Paliwanag nito sa akin.
"Halika na dahil naghihintay na sa'yo si Mom sa kotse at nag-aalala na." Pag-aya pa nito sa akin habang dala ang payong.
"Tama ang Kuya mo Stephanie,h'wag kang mag-alala dahil tatawagan ka namin agad kapag may update na dito." Sabi pa ni Tito na hanggang ngayon ay nandito pa din maging si Tita.
"Paano po kayo Tito?" Tanong ko pa dito.
"H'wag muna kaming alalahanin pa Iha dahil maari naman kaming matulog sa kotse, hindi namin pwedeng iwan dito si Candice hangga't hindi namin s'ya nakikita." Sagot sa akin ni Tito na halata naman sa boses nito na pinanghinaan na sa mga nangyayari.
Habang si Zach at Monica naman ay sumama sa isang batch kanina ng rescuer at dahil nga tumataas ang tubig ay itinigil nila.
Kita naman kay Zach ang labis na pagod dahil tila wala pa itong pahinga sa paghahanap.
Hindi ko pa din ito nakakausap hanggang ngayon kung bakit napunta dito ang kotse ni Candice.
"Halika na Stephanie." Muling pag-aya sa akin ni Kuya at kahit ayaw ko pa na umuwi ay hindi ko din naman matitiis si Mom na naghihintay ngayon sa kotse.
Alam ko na hindi din ito aalis hangga't hindi ako sumasama sa kanila.
"Anak mabuti naman at napilit ka na na kuya mo." Sabi pa ni Mom ng makapasok ako sa kotse na dala nila,, hindi na din ako pinayagan ni kuya na dalhin ang kotse na gamit ko ng pumunta ako dito dahil baka sa dami ng iniisip ko ay ako naman ang mapahamak.
Masarap ang may pamilya na ganito kapag hindi nga lang ako kaagad nakapag-update sa kanila kahit isang lang ay tadtad na agad ang messenger ko ng message mula sa kanila.
"Yes Mom mabuti nga kamo at napilit ko ku'ndi ay mukhang walang balak na umuwi itong si Bunso."Sabi ni kuya kay Mom.
"Alam ko na mahirap ito para sa'yo anak,pero hindi naman maaring pati ang sarili mo ay pabayaan mo." Sabi pa ni Mom katulad lamang din ng sinabi kanina ni kuya sa akin.
Ganito sila kaprotective sa akin na halos lahat ng kilos ko ay dapat alam nila.
"Mom hindi ko alam kung ano ba ang nangyayare at bakit si Candice pa ang naaksidente,marami naman masasamang tao,,bakit ang kaibigan ko pa!" Naiiyak na sabi ko kay Mom at agad akong niyakap nito.
"Sshhhh! Tahan na anak hintayin na lamang natin na makita nila si Candice,,sana lamang nga ay nasa maayos s'yang kalagayan ngayon." Sabi ni Mom habang hinahaplos nito ang aking likod.
"Hindi ko kakayanin Mom,,alam mo naman po kung gaano kami ka-close ni Candice na halos hindi lamang s'ya kaibigan sa akin ku'ndi isang kapatid na masasandalan ko din." Sabi ko pa na hindi pa din matigil sa pagtulo ang aking mga luha.
"Makakaligtas s'ya okay Iha,tahan na anak." Pag-aalo pa ni Mom na iniharap ang mukha ko sa kanya at hinawakan ito ng dalawang kamay n'ya.
Pinahid nito ang mga luha ko.
Hanggang sa hindi ko na alam kung paano ba kami nakauwi sa mansion at dahil sa kalagayan ko ngayon ay hindi na nila ako inihatid sa condo ko bagkus ay dito kami dumiretso sa bahay nila Mom.
"Anak, please maging matatag ka dahil kailangan ka din ni Felicity ngayon." Sabi pa ni Mom ng makapasok kami sa loob ng aking kwarto dito.
.
Nang marinig ko ang pangalan ni Felicity ay lalo akong naiiyak dahil kung may nangyari nga na hindi maganda Kay Candice ay ito ang pinaka kawawa napakabata pa nito para mawalan ng Ina.
"Mom hindi ko alam kung alam na ba ni Felicity ang nangyari sa Mom n'ya at naawa ako para sa bata.'"Sabi ko kay Mom.
"Kaya nga sinasabi ko sa'yo anak na ngayon ka mas kailangan ng inaanak mo."
"Ang mabuti pa ay magpahinga ka na dahil mag-uumaga na at wala ka pa din tulog."
"Sige Mom,, ikaw din po ay matulog na," sagot ko kay Mom.
Nang makaalis si Mom ay alam ko din naman na hindi din ako makakatulog hangga't walang update kay Candice.
"Please Lord kayo na po ang bahala sa kaibigan ko." Dasal ko pa.
Masaya pa kami kanina nito bago naghiwalay dahil napangaralan ito bilang isa sa mga magagaling na negosyante ng taon.
Magaling naman kasi talaga ito at tulad ng pinangako nito sa akin ay mas naging hands on ito sa flower shop mula ng dumating si Leni sa kanila na s'yang nag-aalaga kay Felicity lalo na kapag busy kami sa sunod-sunod na mga bigatin na kliyente namin ang dumdayo pa talaga sa flower shop para lamang makausap kami.
May balak na din kami nito na magexpand dahil nga lumalaki ang demand sa amin ng mga kliyente.