CHAPTER:3

1323 Words
1 YEAR LATER Isang taon na ang lumipas mula ng maaksidente si Candice at hanggang ngayon ay hindi ko matanggap ang pagkawala n'ya.Dalawang araw pa ang itinagal ng paghahanap sa kan'ya hanggang sa makuha ang labi nito na sunog na sunog at halos hindi na makilala ang mukha nito. Ayaw ko man tanggapin na hindi s'ya ang bangkay na nakuha ay may mga ebidensya kasi na nagtuturo na s'ya talaga ito kaya naman kahit masakit ay kailangan namin na tanggapin.Awang awa ako para kay Felicity dahil sa murang edad nito ay nawalan na ng ina. Naalala ko pa ang araw na iyon. Flashbacks 1 YEAR ago "Pangalawang araw na ito ng paghahanap kay Candice at nanalangin pa din ako na sana ay nakaligtas ito kung nasaan man s'ya,halos wala na din akong tulog dahil kahit umuuwi ako sa bahay ay hindi din ako nakapagpahinga ng maayos dahil palaging laman ng isip ko ay walang iba ku'ndi si Candice lamang. Minsan nga ay tulala pa ako,pero dahil nandyan ang pamilya ko ay aking nakakaya naman ang lahat. Hanggang sa dumating na ang mga rescuers at kasama pa din nila si Zach na halos wala na din pahinga. Ramdam ko ang bigat sa aking sarili ng makita ko na may binubuhat silang katawan. Agad kaming lumapit dito at hindi ko na naman napigilan ang mga luha ko dahil sunog na sunog ang katawan ng babaeng ito na dala nila ngayon na wala ng buhay. "Mom, hindi s'ya si Candice di ba!?" Tanong ko pa kay Mom na umiiyak na din pala. "Anak huminahon ka muna okay,, hindi pa naman sila sigurado kung si Candice nga ang babaeng iyan,dahil dadaan pa din s'ya sa DNA test para malaman kung s'ya nga ang bangkay na iyan " Paliwanag sa akin ni Mom. Habang si Xavier naman ay iyak ng iyak dahil nakita na pala nito ang nagpapatunay na si Candice nga ito.Ang wedding ring nila kaya naman ang mga magulang ng bestfriend ko ay lumapit na at nag-iiyakan na ang mga ito. "Mom!" "Anak kumalma ka please,baka umatake ang hika mo dito." Sabi pa ni Mom. Lumapit naman ako sa bangkay at lalo akong naawa dahil ang maging ang mukha nito ay sunog na sunog at hindi talaga makikilala. "Sir and Mom, kailangan na po natin dalhin ang anak n'yo para isailalim sa DNA para malaman n'yo talaga kung s'ya nga ito." Sabi ng isa sa mga rescuer. Kahit ayaw bitawan ni Xavier ang bangkay ay kailangan na talaga na madala nito dahil may iba na itong amoy dahil sa pagkakabad ng matagal sa tubig. Hanggang sa lumabas ang resulta ng din agad ang DNA results at kumpirmado na si Candice nga ito. Nakaburol na ito ng lumabas ang resulta.Si Felicity naman ay matalinong bata din kaya naman alam na nito ang nangyari sa mommy n'ya. Noong una ay panay lamang ang iyak nito na ikinadudurog ng labis ng puso ko dahil nag-iisang anak ito ng aking kaibigan. End of flashbacks: Present Time "Ma'am Steph may tawag po kayo." Habang nandito ako sa labas ng aking opisina dito mismo sa flower shop namin ay biglang iniabot sa akin ng secretary ko ang aking cellphone. "Salamat!" Sabi ko dito. "Hello!" Bungad ko agad sa tumawag dahil hindi nakarehistro sa aking cellphone ang number nito kaya naman hindi ko alam kung sino ba s'ya. "Hello Steph,besh." Nagulat ako sa itinawag nito sa aking maging sa tono ng boses n'ya na katulad na katulad ng kay Candice. "Pwede ba Miss kung sino ka man ay h'wag mo akong pagtripan d'yan dahil isang taon na mula ng mawala ang nag-iisang bestfriend ko kaya naman humanap ka ng ibang mapagtritripan mo!" Sigaw ko dito. "Hindi ako nagbibiro o niloloko ka lamang Besh,ako talaga ito please limitado lamang ang tawag ko sa'yo dahil na sa malayong Isla ako ngayon."Sabi pa nito na parang si Candice talaga ang boses nito. "Miss ibaba ko na ang tawag okay,, hindi talaga maaring maging ikaw ang bestfriend ko dahil matagal na s'yang patay,,maaring kaboses ka n'ya pero hindi ka magiging s'ya." Sigaw ko pang muli dito. "Stephanie Malagueña Monterey ako ito ang bestfriend mo at para maniwala ka at alam ko ang sikreto mo na balat sa pepe mo!" Dahil sa sinabi nito ay tila napapaniwala n'ya na ako na s'ya nga ang aking bestfriend dahil wala naman ibang nakakaalam ng balat ko sa pepe ku'ndi ang pamilya ko lamang at s'ya. "Candice ikaw nga ba talaga yan?" Tanong ko pang muli dito. "Oo nga Besh,,ako nga ito,sunduin muna lamang ako dito at ibibigay ko sayo ang address ng lugar na ito marami akong kailangan na sabihin sa'yo." Sabi pa nito. "Okay Besh, Ako na ang bahala sa lahat maghintay ka lamang d'yan.Tatawagan ko lamang si Dad dahil s'ya ang makakatulong sa atin para mabilis akong makapunta kung nasaan ka man ngayon." Sabi ko dito. "Sige Besh at please lang h'wag kang magkakamali na sabihin sa asawa ko na alam mong buhay ako,kahit kila Mom ay h'wag mo din ipapaalam."Sabi pa nito na ipinagtataka ko. "Okay sige mukhang marami akong dapat malaman kung bakit ayaw mo itong malaman pa ng pamilya mo sa ngayon." Sagot ko dito. "Salamat Stephanie,maasahan ka talaga na kaibigan kaya nga ikaw agad ang tinawagan ko ngayon dahil alam ko na ikaw ang makakatulong sa akin." Sabi pa nito,ako naman ay nanabik na makita na itong muli. "Ibaba ko na ang tawag Besh dahil may kailangan pa akong kausapin." Wika pa nito kaya naman pagkatapos namin magpaalam sa isa't-isa ay agad ko naman na tinawagan si Dad. "Hello Steph,bakit napatawag ka anak?" Bungad na tanong agad sa akin nito. "Dad kailangan ko ang tulong mo please." Sagot ko sa tanong nito. "Ano ba iyon Iha?" "Dad kailangan ko ng chopper ngayon na mismo." Sagot ko dito. "Para saan at kailangan mo ng chopper Iha?" Muling tanong pa nito sa akin. "Dad may kliyente kasi ako na sobrang rush ng order n'ya kaya naman please ipahiram muna sa akin ang chopper at kung pwede ay si kuya Kaiser na din ang magpalipad." Sagot ko kay Dad at sana ay maniwala ito sa akin Kaya naman si Kuya Kaiser ang gusto ko na magpalipad ay dahil mapagkakatiwalaan ko ito. "Okay sige,tawagan muna ang Kuya Kaiser mo." "Thank you thank you Dad!" Sabi ko dito. "Hindi naman kita matitiis Iha at sigurado din akong tatawag ka sa Mommy mo para kulitin ako." Sabi pa nito na kung nasa harapan ko siguro ito ngayon ay umiiling na naman ito dahil sa pangungulit ko. Agad ko nga nga na tinawagan si kuya pagkatapos na matawagan ko si Dad. Agad din naman na pumayag si Kuya at mamaya ko na lamang ipapaliwanag sa kan'ya ang lahat sa pupuntahan namin.Ang importante sa ngayon ay magkita na kami ni Candice at sana lamang ay nasa maayos itong kalagayan at sobra akong nagpapasalamat kung sino man ang kumupkop dito. Halos isang taon na inakala namin na wala na ito at ngayon ay hindi ako makapaniwala na tatawag ito sa akin ngayon at hihingi ng tulong. Nang dumating si Kuya ay agad nakaready na din ako. Ibinigay ko dito ang location ng pupuntahan namin at nangunot ang noo nito ng mabasa ang lugar. "ISLA VERDE!" Gulat na tanong pa nito sa akin. "Alam mo ba na napakaganda daw ng lugar na ito Bunso at ang swerte mo dahil nagkaroon ka ng costumer na dito nakatira mismo." Sabi pa ni Kuya na ang akala talaga ay maghahatid kami ng orders sa kliyente. "Saan na ba ang mga idedeliver natin na bulaklak?" Tanong pa nito. "Kuya sorry pero nagsinungaling kasi ako kay Dad kanina,ang totoo n'yan ay wala naman talaga akong costumer sa lugar na iyan." Pag-amin ko dito. "Bakit naman kailangan mo pa magsinungaling kay Dad?" Tanong pa nito. "Kuya saka ko na ipapaliwanag sa'yo,ang mahalaga sa ngayon ay makapunta na tayo sa lugar na iyan." Sabi ko pa dito dahil tumatakbo ang oras.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD