Ilang araw na kami ni Zaimon dito sa rest house at hanggang ngayon ay wala pa din naman nakakakita sa amin. Minsan ay nakakausap ni Ninong si Kuya Kaizer at may balak nga daw ito na puntahan kami,kaya lamang ay bantay sarado din ito nila Mom at Dad Binalita na din nito sa amin na hindi na daw galit sila Mom at handa na silang tanggapin kami.Kaya lamang ay nag-aalalangan pa din kaming bumalik sa ngayon.Dahil baka mamaya ay pain lamang nila ito para umuwi ako. Hindi ko alam na magagawa ko na suwayin sila mommy dahil lamang sa pagmamahal ko kay Ninong.At sana nga ay totoong tanggap na nila kami para hindi na ganito kagulo na kailangan pang lumayo kami para lamang matauhan sila na hindi na ako bata na kailangan pa nilang diktahan sa lahat ng aking gagawin.Nasa tamang edad na ako at kung i

