"ikaw lang pala Mang Tomas!" Narinig ko ang tinawag na pangalan ni Zaimon at sa aking palagay ay may katiwala ito dito sa rest house. Sumunod kasi dito matapos ko na maayos ang aking sarili. "Sir pasens'ya na po sa abala,dinala ko lamang ang mga ito dahil paborito n'yo po ang mga ito di ba!" Sabi naman ng kausap nito at nagpakita na din ako sa kanila. "May kasama po pala kayo Sir?" Tanong pa nito kaya naman napalingon sa akin ang boyfriend ko na soon ay magiging asawa ko na din. "Oo halika dito Munckin, ipapakilala kita sa caretaker nitong rest house." Sabi nito sa akin at lumapit naman ako dito. "Manong s'ya nga po pala ang Ma'am Steph n'yo! Steph si Manong Tomas." Pagpapakilala nito sa amin sa isa't-isa. Ngumiti naman ako sa medyo may edad ng lalaki at inilahad ang aking kamay par

