CHAPTER:20

1005 Words

Kinabukasan ay nagising na lamang ako na may katabi na at nagulat pa ako dahil nakalimutan ko na nasa hospital pala ako ngayon. Nasa tabi ko si Ninong at himbing na himbing pa din ito sa kan'yang pagtulog sa aking tabi. Hindi ko alam kung anong oras na ito pumasok sa aking kwarto kagabi pero iyong isipin ko pa lamang na sa akin ito umuwi ay kinikilig na naman ako. Pinagmasdan ko lamang ito habang natutulog at tila pagod na pagod ito dahil hindi man lang n'ya napansin na gising na ako. Kung ganito ba naman ang masisilayan ko sa bawat umagang gigising ako dito sa hospital ay baka dito na lamang ako tumira. Nang maramdaman ko na tila may tumatawag sa aking cellphone ay agad ko itong tiningnan.Si Maliyah pala mukhang nakatyempo ito na makatawag sa akin. "Hello Besh,bakit napatawag ka?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD