One month later "Bakit ba tila inis na inis ka ngayon!?" Tanong sa akin ni Ninong. Nasa kotse ako nito ngayon at kanina lamang ay pinatay na ang aking character na si Aling Eliza.Kaya ngayon ay malaya na akong makagalaw. Naging maayos ang ginawa namin na aktingan at paniwalang-paniwala naman sila na patay na nga ang Ina ni Maliyah. "Hindi naman ako naiinis Ninong,pagod lang siguro ako sa dami ng mga nangyayari lately." Sagot ko dito. Inihinto nito ang kotse at muling tumingin sa akin. "No,alam ko na galit ka sa akin dahil halos hindi muna ako kausapin kanina " Tanong pang muli nito sa akin. Napabuntong hininga na lamang ako dahil mukhang hindi ito titigil sa kakatanong sa akin. "Dahil_." Napatigil pa ako dahil hindi ko alam kung sasabihin ko ba dito ang aking nararamdaman ngayon.

