Ilang buwan na din mula ng umamin ako kay ninong at masasabi ko na ngayon ay mas naging extra sweet ito sa akin na kahit noon naman ay ganoon na ito ,kaya lamang ay iba pa din ang feelings ko ngayon dahil alam kong may katugon na ang aking nararamdaman para dito. "Hey! Munchkin bakit tahimik ka d'yan?" Tanong nito sa akin. Nandito kasi ito ngayon sa aking condo.. Madalas man itong bumibisita sa akin sa mga nakalipas na buwan na panliligaw n'ya sa akin ,ay hindi naman ito gumawa ng kahit anong hakbang para may mangyari sa amin. Ngayon nga ay birthday nito at binabalak ko na din na ngayon mismo s'ya sagutin. Sapat naman na siguro ang ilang buwan na panliligaw nito para mapatunayan kong mahal nga ako nito. Masyado itong maalaga sa akin ni minsan ay hindi ko naramdaman na hindi ako speci

