Mabilis na lumipas ang mga araw at ngayon nga ay anim na buwan na kaming magkasintahan ni Ninong. Nang nagdaan nga na gabi ay nag-celebrate pa kami nito ng aming ikaanim na buwan bilang magkasintahan. Ngayon nga ay nandito muna ako sa bahay nila Mom,dahil naglalambing ang mga ito sa akin na umuwi muna ako dito as bahay. Medyo matagal na din kasi talaga akong hindi nakakauwi dito. Bumagon na ako dahil nakatulog pala ako kanina pagdating ko dito. Nakaramdam pa ako na naiihi kaya naman nagpunta na ako sa banyo. Nang makatapos akong makaihi ay naghilamos na din ako. Paglabas ko galing sa banyo ay nakarinig naman ako ng may kumakatok sa aking pinto. Lumapit ako dito at tiningnan kung sino ba ang kumakatok. "Ma'am pasensya na po sa istorbo, pinapatawag na kasi kayo nila ma'am Macy at si

