MAG-ISANG KUMAKAIN si Charlotte sa kusina nang datnan ito nina Amelia, Elijah, Olivia at Franco. Alam niya na nakatingin sa kaniya ang lahat ng mga ito pero nagpatuloy siya sa pagkain. Wala siyang balak na kausapin ang mga ito. Galit pa ba siya? Hindi na. Ang totoo ay mula nang kausapin siya kanina ni Manang Isa ay nalinawan siya. Pinaintindi nito sa kaniya na paniguradong may dahilan ang mga ito kaya nangyayari iyon. Kaya naman ngayon ay nahihiya siya at hindi alam kung paano pakikiharapan ang mga ito. Aminado naman siyang naging isip-bata siya sa parteng nagrebelde at sarili niya ang pinaggantihan. Nakatitig lang siya sa pinggan na kaunti pa lang ang bawas pero ang gilid ng mga mata niya ay kaniyang nakikita ang mga kilos ng mga ito. Tumikhim si Elijah dahilan upang malingon siya r

