NAKATULALA SI Charlotte habang nakatanaw siya sa labas ng bintana. Kagaya noong mga nakaraang araw, wala pa rin siyang gana kumain o kahit lumabas man lang mg kwarto. Katatapos lang niya maligo at bahagya pang basa ang kaniyang buhok. Pati ang pag-blower noon at kinatatamaran niya. Ang bigat din ng kaniyang pakiramdam. Tumunog ang cellphone niya hudyat na may tumatawag. Kinuha niya iyon mula sa ibabaw ng kama saka sinagot. Si Marchie iyon. Masigla siyang binati nito sa kabilang linya. Ngumiti lang siya rito. "Kumusta kayo?" tanong niya. "Ayos lang kami. Ikaw? Ikaw ang kumusta? Nagkita kami ni Tita Carolyn sa mall noong isang araw, e!" Hindi siya kumibo. Hindi na siya nagtaka kung bakit dahil pabalik-balik ang kaniyang ina sa Manila at Bulacan dahil sa restaurants nila. Kailangan nitong

