CHAPTER 20

1456 Words

SA ITSURA NI Franco ay tila mayroong maliliit na karayom na siyang tumutusok sa puso ni Charlotte. Gusto niya isipin na sana ay wala pa rin itong natatandaan. Na sana ay hindi pa nito maalala ang mga bagay tungkol sa babaeng iyon. "Kamukhang-kamukha mo siya!" ani Amelia. Kinuha nito ang larawan saka pinakatitigan iyon. "Buhok lang ang pinagkaiba. Para kayong kambal!" Ang atensyon ni Charlotte ay wala sa sinasabi ng kaniyang pinsan. Nakatitig lang siya kay Franco dahil nakakunot ang noo nito. Humakbang ito papunta sa pintuan papunta sa likod-bahay. Tila malalim na ang iniisip nito ngayon. "Franco..." mahina niyang wika dahilan upang lingunin siya ni Manang Isa. "Anong sabi mo?" Tila hindi pa ito sa narinig dahil matanda na. Imbis na sagutin ito ay napatayo pa si Charlotte dahil lumaba

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD