"CHARLOTTE, a-ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Amelia sa kaniyang pinsan. Nakakatitig lang kasi ito sa nasa harap nila. Kumunot ang kaniyang noo. Nilapat muna niya ang board sa gilid saka hinarap ang kaibigan. "Charlotte?" Kasabay ng pagtulo ng luha ni Charlotte tila natauhan ito saka siya tiningnan sa mga mata. Suminghot pa ito saka mabilis na pinunasan ang mga mata. "B-bakit?" Dahan-dahan siyang lumingon kung saan nakatayo si Franco. Wala itong emosyon na nakatingin sa kanila. Noon niya natitigan ito. Iba na ang kulay ng aura nito ngayon. Nang sa kaniya ito tumingin ay nawala na ang kulay itim na aura nito. "Amelia," tawag nito sa kaniya. Umayos siya ng tayo saka tiningnan ang pinsan na mukhang narinig din ang tinig ni Franco. Kumunot ang kaniyang noo. "Charlotte?" Imbis

