CHAPTER 28

1070 Words

"AMELIA, NAKIKINIG ka ba? Kanina pa kita tinatanong pero parang hindi mo naman ako iniintindi," ani Charlotte habang nakaupo sila sa kama. Tila natauhan naman si Amelia dahil hinampas siya nito ng kamay sa kaniyang braso. "A-ano ba iyon?" Tiningnan niya ang pinsan. Nakatayo ito sa harap niya habang nakapameywang. Nakataas ang isang kilay nito at napakaarteng inirapan siya. "Ano kako ang pwedeng gawin para makita ko si Franco? Lutang ka na naman. Ano bang iniisip mo?" Bumuntonghininga siya. Sa totoo lang ay kagabi pa niya iniisip kung ano nga ba ang pwede nilang gawin upang mabuksan ulit ang third eye nito. "Wala pa akong naiisip, e!" "Ano ba iyan!? Akala ko naman ay mayroon ka ng naiisip." "Bakit kaya hindi ikaw ang mag-isip?" tanong niya rito. "Ano ba kasing ginawa natin noon para

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD