Aratiles POV Nandito ako sa opisina ko. Hinatid kami ni Timothy. Si Andie at dina-drop lang namin sa school kasam si Yaya Erly. Okay na rin si Andie, naka-recover na siya mula sa nangyari. Naging maingat na lang kami ngayon baka mailit pa ang nangyari. Kahit naman nasa kulungan na ng uncle ko ay di pa rin maiwasan ang ganon. Binigyan ni Timothy si Andie ng necklace. Hindi basta ang necklace na iyon dahil may tracker iti sa pendant. Sinadya itong lagyan ni Timothy para ma-trance kung saan-saan pumunta si Andie. At para na rin maiwasan na kaba ko tuwing wala siya sa paningin ko. Busy ako sa mga papeles na narito sa table ko nang biglang bumukas ang pintuan. Iniluwa ito ng pinsan kong si Jovy kasunod ang secretary kong si Rica na pinipigilan siya. Galit na galit ito na kahit anong pigi

