Aratiles POV Sakay kami ngayon ng sasakyan pauwi ng bahay. This time ay sasakyan na mismo ni Timothy ang gamit niya sa pagmamaneho. Isang araw matapos maospital si Andie ay hinatid niya sa nbahay ang sasakyan ko kahit hindi ko naman sinabi. Kaka-discharge lang ni Andie mula sa hospital at nag-volunteer si Timothy na siya ang maghatid sa amin pauwi. Hinayaan ko na lang dahil mapilit siya. “Daddy, can you stay na lang po sa bahay namin kasama si Mommy?” nagulat ako sa tanong ni Andie kay Timothy. “Kapag pumayag si mommy na sa inyo na ako titira,” sagot naman ni Timothy at kinindatan ako ako mula sa side mirror ng sasakyan niya. Irap lang ang naging sagot ko sa kanya. Namimihasa na itong asarin ako. Oo, daddy na rin ang tawag ni Andie kay Timothy. Ayon na rin sa kagustuhan ni Timot

