Aratiles POV. Inaayos ko ang mga prutas na dala ni Timothy kanina ng bumisita siya dito sa VIP room ni Andie. Lumabas lang ito saglit upang sagutin ang tawag ng kaibigan niya. Patapos na ako sa pag-aayos ng prutas sa ref nang makarinig ako ng ungol. Napa lingon ako sa hospital bed ni Andie. Nakita kong pinagpapawisan siya kaya naman ay dali-dali ko siyang nilapitan. Baka ano ang nangyari sa kanya. “Andie? Baby, gising, baby, please,” pukaw ko sa kanya. Ngunit patuloy lang siya sa pa baling-balling ng ulo. Kaya niyugyog ko na talaga siya. Bigla naman siyang napamulat ng mata at nakita ko sa mukha niya ang takot. Agad siyang bumangon ng makita at yumakap sa akin. Ginantihan ko naman siya ng yakap. Hinimas-himas ang likod niya upang maiwasan kahit paano ang takot niya. Naramdaman kong

