Timothy POV. Matapos kong pinaandar ang sasakyan ni Aratiles, agad ko ito na pinausad paalis sa bahay nila. Hindi naman ako lumayo dahil ilang layo lang ang bahay ko mula sa bahay niya, dito ako dumiretso dahil hihingi ako ng tulong Andrius. May Katulong pa lang hini-hired si Andrius dito kaya naman may nagbubukas ng gate ng bumusina ako. Agad kong pinapasok ang sasakyan pagkatapos. Mabilis ang kilos kung bumaba sa sasakyan at pumasok sa bahay. "Nasaan si Andrius?" tanong ko sa katulong na narito. "Hindi ko po alam, sir. Umalis po kasi siya kaninang umaga," sagot nito. Tinanguhan ko lang siya at umupo sa sofa na narito. Kinuha ko ang cellphone at tinawagan ang kaibigan. Nang sumagot ang kaibigan ay agad ko siyang tinanong kung nasaan siya. “Bro, where are you?” “At my agency.

