Aratiles POV. Lumipas ang isang taon, isang taong parang kahapon lang ang mga nangyari. Isang taon ding hindi na nagparamdam si Timothy sa akin matapos ko siyang paalisin sa opisina ko, buhat ng malaman niya ang tungkol kay Andie. Ang buong akala ko ay maggpapalamig lang ito at kalaunan ay babalik din sa akin. Ngunit ang lahat ay isang akala ko lang pala. Walang Timothy ang nagpapakita sa akin makalipas ang isang taon. Kaya naman ay ipinagpatuloy ko ang buhay ko na parang hindi siya nag-exist sa buhay ko. Inisip ko na panaginip lang ang lahat. Hindi na rin ako nakibalita tungkol sa kanya. Yun nga lang ay parang nag-iba na ang buhay na meron ako ngayon. Mas lalo akong na-stress sa lahat ng bagay, mula sa trabaho hanggang sa personal kong buhay. “Look, Mommy, Tito Harold give this to me,

