Timothy POV. Napa kunot ang noo ko habang tinitingnan ang mga pinapadala ni Andrius sa email ko. Puro it mga pictures ni Aratiles na may kasamang iba’t-ibang lalaki. Ano naman kaya ang nasa isip ni Andrius at sini-send niya ito sa akin. Ang tanging pinapagawa ko lang sa kanya ay ang bantayan si Aratiles at ang anak nito habang wala pa ako sa Pilipinas. “What the f**k are you doing?” bwelta ko kay Andruis ng tawagan niya ako matapos niyang maipadala ang mga picture na ito. Tinawanan lang niya ako sa kabilang linya. “What? Wala naman akong ginawa ah. Binigyan lang kita ang rason upang mapabilis ang pag-uwi mo dito. Ang daming gustong masilo ang MAG-INA mo,” sabi nito at talagang pinagdidiinan pa ang salitang mag-ina. Napailing na lang ako sa kanya. “Babalik naman na talaga ako. Lalo na

