Aratiles POV. Nakabusangot ako habang nakaupo dito sa lounge na narito. Nandito kami ngayon sa High Luxe Bar. Wala sana akong balak na sumama sa kanila dito kaso ang pisting si Harold ay kinulit ako ng kinulit upang sumama sa kanya na lumabas. Kaya para tigilan ako ay sinabi kong may lakad kaming magkakaibigan. At para masabing hiindi ako nagsisinungaling ay sumama ako sa mga kaibigan ko kahit na labag sa loob ko ang sumama sa kanila. “Friend, ano ba, nakasimangot ka na naman,” sita sa akin ni Zari. “Nandito ka na rin lang, edi mag-enjoy ka na lang,” dagdag nii Stella. “Sino bang may gusto na nandito ako? Diba kayo lang din?" bwelta ko sa kanila. Inirapan lang nila ako at kalaunan ay niyaya akong pupunta sa dance floor. “No, dito lang ako. Kayo na lang.” “Dali na. Minsan lang to. Pro

