Timothy POV. Napabuntong hininga ako nang hindi pinakinggan ni Aratiles ang pagtawag ko sa pangalan niya. Mukhang sarado ang utak niya na pakinggan ako. Kasalanan ko naman umalis ba naman ako sa walang pasabi s kanya. Napailing at muling pinaandar ulit ang sasakyan. Babalik na lang muna ako sa bar, panigurado nandoon pa ang mga gago kong kaibigan. Pagdating doon, tama nga ang hinala ko nandoon pa sila maliban kay Blaze na marahil ay tumawag na ang asawa kaya umuwi na. Maintindihan ko naman kasi may asawa na siyang tao. Mas priority na niya ang pamilya niya. Bagay na gusto kong mangyari sa anin ni Aratiles. Kung sana lang ay okay pa ang lahat sa amin ay wala sanang problema. “Oh, akala ko ba ay susuyin mo ang My Queen mo?” pang-alaska ni John sa akin. Ito lang talaga ang may lakas loob n

