Chapter 49: “Answered Prayers” LUMIPAS ang halos isang oras at hindi nila namalayan na matagal na rin pala silang nag-usap roon sa may booth. Nang tuluyan nang tumila ang ulan at tapos na silang magsabihan ng nararamdaman ng bawat-isa ay nagpasya na sina Cem at Mira na lumabas at ipagpatuloy ang pagliligpit nila roon. Kailangan pa nilang tanggalin ang mga nakasabit na wooden plaques sa mga sanga ng puno at itabi ang mga iyon sa kanilang classroom. Pagkatapos ay saka nila pupuntahan sina Angge, Steven, at JR sa may gym dahil siguradong nagtataka na ang tatlo kung nasaan na sila. Naalala naman bigla ni Mira ang tungkol sa mga wishes at prayers na nakalagay sa mga wooden plaque na iyon habang palakad sila roon. “Do you remember about the wooden plaques?” tanong ni Mira sa lalaki. “Iy

