Chapter 1
!!! CONTENT WARNING !!!
Please, be advised, this chapter contains content that may be troubling to some readers, such as discussions of self-harm, trauma, depression, and suicide. Kung hindi ninyo po kaya magbasa po ng ganito, you can skip the chapters with a content warning or stop reading this story. Wala po akong intention na maka-offend ng iba o makasakit ng feelings ninuman. I’m writing this story with the hope that I can help and give strength and inspiration to the readers. God bless, everyone!
Chapter 1: “Starting A New Life”
MIRA was walking alone on her way to school in the morning. It’s her first day in Senior High after transferring to a new school.
Naaalala niya na lagi niyang kasabay pumasok noon si Naya, ang kanyang kapit-bahay at bestfriend simula nang mga bata pa sila. Lagi niya itong kasabay kumain ng breakfast at kasamang mag-ayos bago sila pumasok ng school. Lagi rin itong nasa kanilang bahay dahil katapat lang nila ang tinitirhan ng pamilya nito. Halos lahat ng bagay ay ginagawa nila nang magkasamang dalawa. Nasanay na nga siyang kasama ito. They were more like sisters than bestfriends.
Maraming tao ang napagkakakamalan silang kambal dahil magkahawig na magkahawig daw silang dalawa. Mira is a cute girl who has an average height and a slim figure. Her face is small with round brown eyes, a pointed nose, and small plump pink lips. Mira also has short and straight brown hair, while Naya has long black hair. Her best friend has an average height, a chubby figure, and has the look of a beauty queen.
Pagdating naman sa kanilang mga ugali ay magkabaligtad silang dalawa. She’s an introvert while Naya is an extrovert. Naging masayahin at energetic na nga lang si Mira sa mga nakalipas na taon dahil sa lagi niyang kasama ang kanyang kaibigan. Nahawa siya sa pagiging cheerful nito at palangiti at ipinagpapasalamat niya iyon dito.
“Mira!” Napatigil siya sa paglalakad nang marinig ang isang boses ng babaeng tumawag sa kanya mula sa likuran. At that moment, she’s really hoping that the girl who called her is her best friend, Naya.
Dahan-dahan siyang pumihit sa kanyang likuran at natagpuan ang isang nakangiting babae na tumakbo palapit sa isa pang babae na nasa gilid niya. Agad namang umakbay ito roon nang makalapit. Hindi pala siya ang tinatawag nito kundi ang babae na sa tingin niya ay matalik nitong kaibigan. Nakikita niya ang kanyang sarili at si Naya sa dalawang babaeng iyon.
Nami-miss na niya ang pagtawag ng kaibigan niya sa kanyang pangalan. Nami-miss na niya ang kakulitan nito na nagpapasaya sa kanya.
Nami-miss na niya si Naya.
“MIRA!” masiglang tawag sa kanya ni Naya mula sa labas ng kanilang bahay.
“Bakit? Ni-like na naman ba ng crush mo ang f*******: post mo?”
Umiling ito nang makapasok sa may pintuan. “Hindi, ano! Na-miss lang kaya kita, Twinnie!” Nang makaupo ito sa tabi niya ay agad itong umakbay sa kanya saka idinikit ang pisngi sa kanya. ‘Twinnie’ ang tawagan nila dahil lagi silang napagkakamalang kambal mula bata. Siguro ay dahil walang araw na hindi sila magkasama nito. “Kumusta naman ang matalik kong kaibigan?”
“Ano bang tanong iyan? Araw-araw naman tayong nagkikita,” saad niya.
“Malay mo naman, nalulungkot ka na pala riyan kapag hindi mo ako kasama,” tudyo nito sa kanya.
“At bakit naman ako malulungkot. Aber?” balik niyang asar sa kaibigan.
“Hmp! Nilalambing ka lang, eh!” Nag-pout ito ng lips na parang batang nagtatampo kaya napatawa si Mira.
Sa kanilang dalawa, ito rin ang mas malambing. Affectionate. Hindi ito nahihiyang ipakita ang ka-sweet-an nito sa kanya. Clingy, ika nga.
“Iyong totoo, ano talaga ang dahilan mo?”
Umayos ito ng upo. “Itatanong ko lang sa iyo, kung napanood mo na ba iyong bagong Music Video ng SB19? Ang lupit nila!” Bakas ang excitement sa mukha nito.
“Hindi ko pa napapanood,” sagot niya.
Sumimangot naman si Naya saka kinuha ang cellphone niya sa kanyang kanang kamay at pinindot ang Youtube App. Napangiti siya dahil alam na niyang ipapapanood sa kanya ng kaibigan ang Music Video na sinasabi nito. Hindi ito titigil hanggang sa mapanood niya iyon. May pagkamakulit din kasi ang kaibigan niya.
Nang mahanap na nito ang Music Video ay iniabot nito ang kanyang cellphone sa kanya at sabay nilang pinanood iyon.
“Ang galing nila, ‘di ba?” ani nito.
“Oo nga!”
“Niloloko mo lang ata ako, eh!” Nag-pout ito muli ng lips.
Napatawa na naman siya dahil nag-aasta na naman itong bata. Hindi kasi siya mahilig sa mga ganoon kundi sa mga Anime.
“Magaling nga sila. Promise!” saad niya.
“Panoorin mo iyan palagi, ha? Baka kasi hindi ko na mapanood pa ulit.”
Nagtataka man siya sa sinabi nito ay sumagot na rin siya, “Oo na!” paniniyak niya rito.
“Yey!” masaya nitong sabi at niyakap siya nang mahigpit. “Ang supportive talaga ng twinnie ko! I love you, my twin sister, and friend, and eklavuuu!” Napatawa siyang muli. Masaya talaga siya dahil nakilala niya si Naya. Ginulo nito ang tahimik niyang buhay sa magandang paraan. “Teka, napakinggan mo na rin ba ito?” tanong nito muli sa kanya.
May pinanood ito sa kanya na Music Video ng isang Japanase song na hindi niya maunawaan. Hindi pa niya iyon nakikita o naririnig pero parang familiar ang kanta. It has an upbeat vibe that resembles an opening song for a shonen, which means ‘boy’ or ‘youth’, anime. Hindi rin niya maunawaan ang ibig sabihin ng Music Video dahil medyo magulo iyon, not the typical ones.
“Ngayon ko lang iyan narinig. Para siyang opening song ng isang anime,” tugon niya.
“Kakapakinig ko lang din nito no’ng nakaraang araw habang naghahanap ako ng mga nakare-relax na kanta sa Youtube.”
“Nakare-relax na kanta? Bakit? May problema ka ba?” tanong niya.
“Nope! Ako pa ba?” Ngumiti si Naya sa kanya.
“Akala ko ay may dinaramdam ka nang kung ano riyan, eh,” buska niya.
Tumawa naman ito. “Sasabihin ko sa iyo agad kapag may problema ho ako.”
“Very good!” Sabay silang napatawa.
She tried to look brave, but tears were already in her eyes as she reminisced her memories with Naya. Iyon ang huli nilang pag-uusap ng kaibigan bago ito nagpakamatay.
Hindi niya nalaman na may dinaramdam na nga ito ng mga sandaling iyon. Hindi man lang niya ito na tulungan. Hindi man lang niya na-realize na ang kaibigan na nagpapasaya sa kanya ay kailangan din ng magpapasaya rito.
She used to be a lively girl because of her best friend, but everything changed after that incident two years ago. Huminto siya sa pagpasok ng dalawang taong iyon dahil sa biglaang pang-iiwan sa kanya ni Naya. Hindi niya kayang pumunta at makita pang muli ang school nila noon kung saan nag-commit ng suicide ang kanyang matalik na kaibigan.
Matagal siyang nilamon ng kanyang konsensiya at kalungkutan. Araw-araw niyang napapanaginipan ang kaibigan na humihingi ng tulong pero sa halip na iabot niya ang kanyang kamay para tulungan ito sa kanyang panaginip ay tinanggal niya ang nakakapit nitong kamay sa kanya at nahulog ang babae sa may building.
Naya needed her, but she wasn’t there for her.
Naisipan niyang magpakamatay noon para matapos na ang sakit na nararamdaman niya at mawala ang guilt na patuloy na kumakain sa kanya pero nang magpapakamatay na siya ay may isang taong pumigil sa kanya para gawin iyon.
Ang lalaking naging witness sa pagtatangka niyang pagsu-suicide noong mismong kaarawan niya. Isang taon na ang nakakalipas simula no’n pero hindi pa rin nawawala sa kanyang isipan ang lalaking sumagip sa kanya ng araw na iyon.
NARARAMDAMAN ni Mira ang kanyang panginginig nang makita ang school building kung saan siya aakyat. Nagkaroon din kasi siya ng trauma sa matataas na building dahil sa nangyari noon. She took a deep breath and started to walk inside the building.
Nang mahanap na niya ang room para sa first class niya ay kinabahan naman siya na pumasok doon. Iyon din kasi ang unang pagkakataon na papasok siya nang hindi na niya kasama ang kaniyang kaibigan kaya naninibago siya. Halos kalahati na rin ng unang semester kaya sigurado siyang magkakakilala na ang mga classmate niya.
Medyo marami na’ng mga estudiyante nasa loob ng classroom pero halos lahat ay busy sa kani-kanilang usapan. Dahan-dahan niyang inilibot ang kanyang mga mata at naghanap agad ng vacant seat kung saan siya maaring umupo nang hindi mapapansin ng karamihan. Laking pasasalamat niya nang makakita siya ng isang upuan sa may gilid ng bintana bandang dulo ng classroom.
Bago pa man siya nakapagdesisyong bumalik sa pag-aaral ay nasabi na niya sa kanyang sarili na lalayo na siya sa iba. She decided to stay low-key without others noticing her presence. Ayaw na niyang mawalan pa ulit ng kaibigan kaya minabuti niyang mag-isa na lang.
Hindi pa man siya tuluyang nakakapunta sa napiling upuan ay narinig niyang may nagsalitang lalaki sa direksyon ng pintuan na kanyang pinanggalingan.
“Good morning, everyone! I’m back! Na-miss ko kayong lahat!” masiglang bati ng lalaki.
Napatingin naman siya sa kinaroroonan nang masayang boses na iyon at nakita ang isang pamilyar na lalaki. Medyo humaba na ang buhok nito hindi gaya noon pero nananatili pa rin ang masayang aurang makikita mula rito.
He’s still wearing that bright smile on his lips that makes her heart warm. He’s still had that soothing voice that calms her mind. And just like the first time she met that guy, she couldn’t take her eyes off him.
Hindi pa rin niya makalimutan ang mga sinabi nito sa kanya noon. Ang mga salitang binitiwan nito na nakatanim na sa kanyang puso.
He was the guy who made her realize that suicide wasn’t the answer to her problems. He was the guy who gave her reason to continue living her life even if things will never be easy. He was the guy who saved her from the deep hollow pit she was in.
The one she wanted to see…
The one she longed to know…
The one she prayed for…