Chapter 55: “She’s His Peace” “MIRA!” pagtawag sa kaniya ni Angge. Bumaling siya sa babae at nakitang kasama nito si Steven. “Oh. Ang akala ko ay magsho-shopping tayo,” taka niyang tanong sa babae. Maaga siya nitong tinawagan kaninang umaga at tinanong kung may gagawin siya. Dahil Sabado ay wala naman siya gaanong gagawin kaya nagpasama si Angge sa kaniya na mag-shopping silang dalawa. Hindi naman nasabi nito na kasama pala nila si Steven sa araw na iyon. “Well, hindi lang tayo magsho-shopping,” saad nito nang nakangiti sabay kaway sa may likuran niya. “Cem!” masiglang sigaw nito. Napatingin tuloy siya sa kaniyang likod. Nandoon nga ang lalaki. “A-Anong ginagawa mo rito?” “Pinapunta ako ni Angge rito. Nagpapasama siyang mag-shopping,” sagot ni Cem sa kaniya na nagtataka rin dahil

