Chapter 52: “Good Friends To Keep” “OH! Mabuti naman at nandito na kayong dalawa. Kanina pa namin kayo hinihintay,” bungad ni JR sa kanila nang makapasok na sila sa loob ng kuwarto ni Mira. Ang tatlo ay nagsimula nang maglaro ng scrabble habang nakasuot na ang mga ito ng kani-kanilang mga panjama. “Magpalit na rin kayo ng damit ninyo para makapag-picture na tayo at makapaglaro ng ibang games kasama kayo,” ani Angge. Sabay naman silang tumango ni Mira. “Mauna ka na, Mira. Pagkatapos mo ay saka ako magpapalit.” “Okay.” Agad namang naglakad ang babae papunta sa cabinet nito at kinuha ang panjama-ng isusuot nito saka dumiretso sa c.r. Habang siya naman ay umupo roon sa may sahig at tumabi kay JR. Pinanood niya ang tatlo habang naglalaro ang mga ito ng scrabble. “Walang ganyang word!

