Chapter 31: “Secret To Tell” HINDI mawala sa isipan ni Cem ang mga sinabi niya kay Mira no’ng nakaraang araw. Hindi niya maitindihan ang sarili niya kung bakit kailangan pa niyang sabihin na bagay ang babae kay Steven kahit ayaw naman niya. There were times that he wanted to punch himself for being too insensitive and that time was one of those. Nagulo niya ang buhok sa inis niya sa kaniyang sarili. Paano pa niya babawiin iyon dito? Napabuntong hininga na lang siya. “Oh. May problema ka ba, brothaaa?” tanong sa kaniya ni Claire, isa sa service crew doon at kasamahan niya sa trabaho. “Wala po, ate. May naisip lang po ako.” “Girlfriend mo?” tanong nitong muli. “Wala po akong girlfriend, ate Claire.” “Weh? Hanggang ngayon ba? Sa pogi mong iyan?” Umiling-iling ito. “Kung magka-age la

