“A-Ali-Alicia Ki-Kim…,” nauutal na sabi ni Carlo na hindi makapaniwalang nasa harapan niya ang napakaganda at pinakasikat na mang-aawit sa buong mundo ngayon. “Ako nga. Ikaw siguro si Carlo. Nabanggit ka ni Al kanina. Thank you pala sa pagtulong ninyo ni Mae kay Al,” nakangiting sagot ni Alicia. Tila lalong tinamaan si Carlo nang makita ang magandang ngiti ng dalaga. Natagalan siya bago sumagot, natulala at muling nautal. “Ah… Wa-wala… yu-yon.” “Aray!” napasigaw na lang na nauutal na binata ng pasimpleng apakan ni Mae ang kanang paa niya. Sabay tingin ng matalim ni Mae sa kanya senyales para tumahik na lang ang namamangha pa ring binata. “Huwag mong pansinin ‘to. May pagka-ano kasi ‘to eh,” nakangiting sabi ni Mae sabay tulak palayo kay Carlo. “Eto nga pala ‘yong mga damit. Binili ko l

