Mataas na ang sikat ng araw nang magising si Al. Kung hindi pa siya nakaramdama ng init mula sa sinag ng araw na pumapasok sa bintana ay baka hindi pa siya nagising. Agad siyang bumangon ngunit napatigil nang makaramdam ng p*******t ng likod at mga binti. Naisip niyang dahil iyon sa mga rumaragasang takbuhan kahapon. Tumingin siya sa paligid at napansin niyang wala na si Carlo sa pwesto nito kagabi. Nailigpit na din ang hinigaan nito. Kaya naman nagbihis si Al. Lumabas siya ng kwarto para maghilamos at napansing walang kahit isang tao sa loob ng bahay. Dumerestso siya sa kwartong nakita niyang pinasukan nila Alicia kagabi at kumatok. Pero walang nagbukas ng pinto o sumagot man lang. Muli siyang kumatok at nang wala uling tumugon ay sinubukan niyang buksan ang pinto. Bumukas naman ito. Su

