XXVII

2645 Words

Lumipas ang isang linggo pero hindi pa rin namamatay ang isyu tungkol sa nangyari na kaguluhan sa kasal ni Alicia. Laman pa rin ito ng mga balita, talk shows, article sa internet, vlogs at mga posts sa social media. Halos matakpan na nga nito ang mga pangunahing balita sa buong mundo. Ang mga fans naman ay hindi matahimik, pilit na naglalaro sa isipan ng marami kung nasaan na ngayon, at ano na ang nangyari sa sikat na mang-aawit. Naging maganda ang unang linggo nila Al at ng mga kasama niya sa bago nilang tahanan. Walang naging problema at dahan-dahan na ding nasasanay si Alicia sa panibagong buhay. Nagsimula na ding magtanim si Al ng mga gulay na palaging kinakantahan naman ni Alicia tuwing umaga at hapon. Masasabi ngang napakasimple, pero napakatahimik ng buhay nila sa lugar na ‘yon.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD