XXVIII

2390 Words

Mabilis na iniuwi nila Al si Alicia sa bahay. Agad nila itong inihiga sa kama at mabilis namang kumuha ng tubig at pamunas si Mae para punasan ang maduming mga kamay at paa ng kaibigan. Marami ring maliliit na mga sugat si Alicia sa mga binti, marahil ay dahil sa matataas at matatalas na d**o sa daan. Matapos linisan ay pinalabas muna ni Mae sila Al at Carlo ng kwarto para mapalitan niya ang mga damit ni Alicia. Basa kasi ito ng pawis at madaming bahid ng putik. At matapos bihisan ay tinignan ni Mae ang buong katawan ni Alicia kung mayroon itong kagat ng mga ahas. At sa kabutihang palad ay wala. “Ano? Gising na ba siya?” bungad na tanong ni Al nang lumabas si Mae ng kwarto. Hindi umalis ang binata sa harap ng kwarto. Palakad-lakad lang siya doon habang nag-aabang sa balita mula sa loob. L

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD