XXIX

2545 Words

Madilim pa nang bumangon si Al. Ang totoo, hindi naman talaga siya nakatulog nang maayos. Dala na rin marahil ng labis na pag-aalala niya para kay Alicia. Lalo pa ngayon na nalaman niyang mayroon itong dinadalang malubhang sakit. At ang sakit na ‘yon ang siguradong maglalayo muli sa kanilang dalawa pagdating ng panahon. Kinuha ni Al ang lambat na nakasabit sa bakuran ng bahay para subukang mangisda sa dagat. Ilang araw na rin niyang sinusubukang manlambat pero kadalasan ay maliliit na isda o kung minsan ay mga dikya lang ang nalalambat niya. Pero may isang lugar sa may dagat na hindi pa niya napupuntahan at gusto niyang subukang mangisda doon ngayon. Agad na inihagis ni Al ang lambat sa tubig nang marating ang lugar at pagkatapos ay bumalik muna siya sa bahay para mag-asikaso ng agahan.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD