Malayo ang tingin at mukhang napakalalim ng iniisip ni LingLing nang matagpuan siya ni Agnes sa hotel room na tinutuluyan. Nakaupo ito sa isang upuan malapit sa bintana ng kwarto. Ni hindi nito narinig ang pagkatok at pagpasok ng kaibigan. Nakapako lang ang mga mata nito sa sahig na tila ba may tinitigang kung anong interesante doon. Nilapitan ni Agnes ang kaibigan at kinamusta, pero parang hindi siya naririnig nito. Nakatulala pa rin ito sa sahig at hindi siya pinapansin. “Alicia!” medyo nilakasan ni Agnes ang boses na parang nanggugulat. Pangatlong beses na niyang sinisigaw ang pangalan nito pero talagang hindi ito umiimik. Napansin din niyang namumutla ito. “Are you okay?” sunod n’yang tanong habang ikinakaway ang isang kamay sa harap ng kaibigan. Pero ni hindi man lang kumurap si Ali

