Matamlay na lumabas si Al mula sa kanyang selda para kausapin ang bumisita na ama. Agad niyang natanaw ang likuran nito habang naglalakad papalabas ng visiting area. Nakayuko ito habang nakaupo. Hinihingal ito kahit na nakaupo na at nagpapahinga. Halos hindi niya ito matignan. Bigla siyang nakaramdam ng hiya at pagka-inis sa sarili. Hindi niya maiwasang sisihin ang sarili sa nangyari sa ama at sa pamilya niya. Nitong mga nakaraang araw, wala siyang ginawa kundi ang igugol ang oras sa pagkadismasaya at pagsisi sa pagiging makasarili niya. Kaagad na naantig ang puso ni Al nang malapit na siya kinauupuan ng ama. Lalo niyang naramdaman ang labis na pag-aalala at hirap na dinadanas nito nang makita niya itong ilang ulit na nagbuntong hininga habang nakapako sa lamesa ang malulungkot na mga ma

