Tinatanaw ni Carlo si Mae mula sa kinauupuan nito. Nag-aalala siya dahil kanina pa walang tigil sa pag-iyak ang dalaga. Lumipas na rin ang ilang oras mula tanghali at ni patak ng tubig ay hindi pa ito umiinom. Gustuhin man niyang magmadali at agad na madalhan ng kahit maiinom man lang ang dalaga ay may kahabaan ang pila sa tanging fast food restaurant sa bayan nila. Kaya wala siyang magawa kundi ang maghintay at makadama ng awa sa dalaga habang tinitignan ito. Naalala ni Carlo ang nangyari sa loob ng istasyong ng pulisya. Nagulat siya sa naging reaksyon ni Al. Hindi rin niya akalain na si Mae pala ang dahilan ng lahat ng kaguluhang nangyayari. Sa mundo ng showbiz at sa buhay ni Al. Bagama’t ‘yon ang pagkakaintindi niya, nais pa rin muna niyang marinig ang panig ng dalaga. Alam niyang ma

